
MANILA (Mindanao Examiner / Feb. 27, 2014) – Philippine President Benigno Aquino left for Malaysia on a state visit to Malaysia on Thursday.
Aquino, who was invited by Malaysian Prime Minister Dato’ Sri Haji Mohammad Najib bin Tun Haji Abdul Razak, are expected to discuss the upcoming signing of the Comprehensive Agreement on the Bangsamoro between the Philippines and Moro Islamic Liberation Front.
Malaysia is brokering the peace talks between the Aquino government and the MILF, the country’s largest Muslim rebel group fighting for self-determination in Mindanao, south of the Philippines.
The Philippines and the MILF signed the Annex on Normalization, the last of the four annexes of the GPH-MILF Framework Agreement on the Bangsamoro, on January 25.
Aquino’s two-day visit is his first in Malaysia. Najib visited the Philippines on October 14-15, 2012, upon the invitation of Aquino to witness the signing of the Framework Agreement on the Bangsamoro.
The Filipino also led the inauguration of the first Petron station in Malaysia.
Before his departure, Aquino said met with Vice President Jejomar Binay and members of the Cabinet present; Representative Emi Rubiano; the Chief of Staff, General Emmanuel Bautista and other service commanders; including Police Director General Alan Purisima, and gave a brief statement.
The text of Aquino’s departure statement is below.
“Sandali po akong magpapaalam sa inyo upang lalo pang pagtibayin ang ating pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa pamahalaan at ang bayan ng Malaysia.
Kabilang po sa mga gagawin natin ang pagpapaabot ng taos-pusong pasasalamat sa kanilang pakikiramay sa atin sa panahon ng sakuna. Noong masalanta ang ating mga kababayan ng bagyong Yolanda, umabot ng isang milyong dolyar ang halaga ng ipinagkaloob na tulong ng Malaysia. Nagpadala rin ang kanilang pamahalaan ng sampung eroplanong C-130. Nagpaabot din po sila ng medical at humanitarian assistance teams, at nagpamahagi ng iba pang ayuda tulad ng mga kumot at gamot sa ating mga kababayan.
Hindi lang po sa panahon ng sakuna nararamdaman ang pakikipag-kapit-bisig sa atin ng Malaysia. Malaki rin po ang ambag nila sa pagkakamit ng tunay at pangmatagalang kapayapaan sa Muslim Mindanao. Sa pamamagitan ng kanilang suporta, napagkasunduan na natin ang mga masalimuot na annex sa ating Framework Agreement on the Bangsamoro, at ngayon nga po ay naghahanda na sa pirmahan ng isang komprehensibong kasunduang pangkapayapaan.
Maayos na usapan at tiwala din po ang dahilan kung bakit isa ang Malaysia sa pinakamatibay nating kaalyado sa rehiyon. Kasama natin silang naninindigan sa isang mapayapa at makatuwirang resolusyon ng usapin sa teritoryo, sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea. Mulat po sila na ang tunay at pangmatagalang stabilidad ay maaabot lamang kung tayo ay nakatuntong sa pundasyon ng dignidad, respeto, at ng patas na pagsunod sa batas.
Nasa agenda rin po natin ang pagpapaigting sa ugnayang pang-ekonomiya ng Pilipinas at Malaysia. Dadalo po tayo sa inagurasyon ng pinakaunang istasyon ng Petron sa Kuala Lumpur. Kinakatawan po nito ang tinatayang $1.2 billion na investment ng Petron Corporation sa Malaysia, na sumasakop sa pagpapaunlad ng umaabot sa 558 gasolinahan. Pagkakataon rin po ang pagbisitang ito upang ipamalita sa mga negosyante ng Malaysia ang tinatamasang pag-unlad ng ating ekonomiya. Makikipagpulong po tayo sa mga pinuno ng Maybank, AirAsia, at Genting upang mapag-usapan ang detalye ng kanilang pinaplano o isinasagawang proyekto at expansion sa Pilipinas.
Siyempre po, hindi natin palalampasin ang pagkakataong makadaupang-palad ang Filipino community sa Malaysia. Sisiguruhin po natin na mahusay na natutugunan ang pangangailangan at napapangalagaan ang karapatan ng mga kababayan nating naroroon.
Dalawang araw po ang itatagal natin sa Kuala Lumpur. Kumpiyansa po tayo, na ang sandaling pagbisitang ito ay manganganak ng mas matibay pang kakayahan upang ipagtanggol ang interes ng ating bansa, mas malalim pang ugnayan sa pagitan ng dalawang lahing pinagtagpi ang kasaysayan, at mas marami pang oportunidad para sa mamayang Pilipino.”