Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • President Benigno S. Aquino III Christmas message

President Benigno S. Aquino III Christmas message

Editor December 22, 2012
PNoy

“Kilala tayong mga Pilipino sa pagkakaroon ng pinakamahabang pagdiriwang ng Kapaskuhan. Setyembre pa lang, nasasabik na ang lahat dahil sa mga aguinaldong kanilang tatanggapin, gayundin sa pagsasama-sama ng buong pamilya habang pinagsasaluhan ang Noche Buena.”

“Subalit hindi maikakahon sa mga regalo, sa mararangyang salu-salo, o sa mga makukulay na palamuti ang tunay na diwa ng Pasko.”

“Sa gitna ng ating mga pagdiriwang, lagi sana nating tandaan ang mga kuwentong bumubuo sa Kapaskuhan; ang pag-aalay ng Panginoon ng kaniyang bugtong na anak para tubusin ang sangkatauhan mula sa kasalanan.”

“Bahagi rin ng aral ng Kapaskuhan ang pagiging bukas-palad ng isang estrangherong nagkusang pagbuksan ng pinto sina Jose’t Maria, at hinayaan silang magpalipas ng gabi sa munting sabsaban; na may tatlong haring nagsakripisyo’t hindi inalintana ang mahabang paglalakbay, maihatid lamang ang kanilang mga handog sa banal na sanggol.”

“Ang okasyong ito, higit sa lahat, ay tanda ng wagas na pagmamahal ng Panginoon sa atin.”

“Pagkakataon ang Pasko para magpasalamat sa lahat ng biyayang ating natamasa.”

“Sa ngalan ng buong pamahalaan, nagpapasalamat ako sa lahat ng Pilipinong nakiambag sa pagtatag ng kultura ng katapatan at malasakit sa kapwa.”

“Dahil sa kakaibang pagsusumikap na ipinakita sa tuwid na daan, higit na nagiging makabuluhan ang Paskong Pilipino.”

“Ang mga inisyatibang gaya ng Sitio Electrification Program, na ngayon ay nagbibigay-liwanag sa libu-libong pamilya, na dati’y nangangapa sa dilim: Kayo ang gumawa nito.”

“Ang ating Conditional Cash transfer, na umaalalay sa ating mga kababayan tungo sa kinabukasang may saysay, malusog, at maunlad: Kayo rin ang gumawa nito.”

“Ang pagtalikod natin sa negatibismo’t agam-agam, habang patuloy na lumalawak ang saklaw ng positibong pagtanaw, sa pamahalaan man o sa kalakhang lipunan: Kayo ang gumawa nito.”

“Hindi pa rin nagbabago: Kayo ang lakas ng gobyerno.”

“Malinaw po: Ang bawat butil ng tagumpay na ating inaani ay nagmula sa ipinunlang pagsusumikap ng sambayanan; Kayo po, ang aming mga Boss, ang gumawa nito.”

“Lahat nang ito’y sumasalamin sa tunay na diwa ng Kapaskuhan: pagbibigayan, pagpapakumbaba, at pagmamahal sa ating kapwa.”

“Muli’t muli nating pinatutunayan sa mundo: Bukod tangi ang Paskong Pilipino dahil sa kahandaan ng bawat isang maging tanglaw sa kaniyang kababayan, hindi lamang tuwing Kapaskuhan, kundi sa araw-araw na pagbagtas sa tuwid na daan.”

“Isang maligayang Pasko po sa inyong lahat.”

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Top cop in Jueteng province relieved
Next: Justice For Maguindanao Massacre Victims; 37 Months Had Passed!

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1
  • Business
  • Featured

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025 PagIBIG-Housing-Loan 2
  • National

Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 3
  • Business

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs Marawi-IDP 4
  • Mindanao Post

Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs

May 21, 2025
DSWD aids Filipinos returning from Sabah DSWD-aids-Filipinos 5
  • Mindanao Post

DSWD aids Filipinos returning from Sabah

May 21, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.