Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Presidential daughter binuweltahan ang ‘Tindig Pilipinas’
  • Featured
  • Mindanao Post

Presidential daughter binuweltahan ang ‘Tindig Pilipinas’

Chief Editor October 12, 2017

 

DAVAO CITY –Binansagan ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio na “Hunger Games Pilipinas” ang bagong grupo ng oposisyon na “Tindig Pilipinas” at isa-saing sinumbatan ang mga kalabang pulitiko na miyembro ng naturang samahan.

Tinawag nitong plastik at oportunista sina Senador Kiko Pangilinan, Antonio Trillanes at Riza Hontiveros. Nanawagan ang grupo nila na itigil ni Presidente Rodrigo Duterte ang extrajudicial killings sa drug war nito at tapos na umano ang honeymoon nito sa mamamayan.

Sinabi pa ni Carpio na ilang beses nangulit si dating senador Kiko Pangilinan kay noon Mayor Rodrigo Duterte at nagmamakaawa na humihingi ng basbas para sa kanyang ambisyon na tumakbong Pangulo. “Kiko Pangilinan- Several years ago nagkita tayo dito sa Davao, sa isang golf club, pinuntuhan mo si PRD (Presidente Rodrigo Duterte). Gusto mo tumakbo Presidente, ansabe mo? “With Sharon’s indorsement and your (PRD) indorsement I’m sure I can make it.” Dati pa-indorse ka sa kanya ngayon may pa hunger games salute effect ka,” ani Carpio.

Maging si Senador Risa Hontiveros ay hindi rin nakaligtas sa maaanghang na salita ni Carpio at isiniwalat na tulad ni Pangilinan ay pilit rin humihingi ng endorsa ito kay Duterte. At maging ang larawan ni Hontiveros sa grupong Tindig Pilipinas na lumabas sa mga pahayagan ay hindi pinamlampas ni Carpio. “Sa picture ikaw ang pinaka-makapal ang foundation acheng. Habang tinutulungan ko si PRD at ang nanay ko mangampanya, nasa byaheng du30 ako, ilang beses mo ako inabala, kinulit at tinawagan para humingi ka ng tulong sa boto mo sa Davao City? I can remember your bored face listening to me in our law office just so you can get support for Davao,” sabi pa ni Carpio.

Humingi rin umano ng tulong si Senador Antonio Trillanes – na kabilang sa Tindig Pilipinas – kay Duterte at kay Carpio, ngunit tumanggi naman ito dahil sa “circus” ng dating Magdalo coup leader sa Manila Peninsula na kung saan ay sumuko ito matapos na mabigo sa kanilang coup de etat. “Trillanes – years ago, nag-request ka makipag kita sa akin dito sa Davao, nasa Damosa (shopping complex) ka, ano sabi ko sa emissary mo? No. You know why? I never liked your circus sa Manila Peninsula. Pero meron ako picture na nakipagkita ka kay PRD kasi humingi ka ng tulong niya sa VP campaign mo,” pagsisiwalat pa ni Carpio.

Hindi naman ito nagbigay ng anumang salita laban kay Bise Presidente Leni Robredo dahil wala naman ito sa grupo nina Pangilinan. “VP Robredo – I’ll reserve my remarks kasi sabi mo naman hindi ka member ng Hunger Games Pilipinas,” sambit pa ng Mayor.

Nanindigan rin ang presidential daughter na totoo ang lahat ng kanyang sinabi ukol sa mga nabanggit nito. “Lahat ito hindi chismis kasi personal knowledge ko at may corroborative witnesses ako. Matanong ko lang, nung mga panahon na humingi kayo ng tulong, may isyu ba kayo sa governance ni PRD? Wala.”

“Ngayon na nanalo na siya? Meron. Hunger Games, Pilipinas: Plastic na, oportunista pa. Kayo 3 may ambisyon mag Presidente, I grew up in politics, mas matagal pako sa pulitika kesa sa inyo 3 combined. I smell ambition a million miles away. Akala ninyo yung circus ninyo ngayon magpapanalo sa inyo sa 2022? Hindi. Ano ititindig niyo? Paninindigang Trapo. Mamuyboy ko? Yes. You don’t use PRD whenever convenient para sa pulitika ninyo. Kung wala ang boto ng Mindanao, mananalo kaya kayo?,” pangwakas pa ni Carpio. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Violence erupts in Kenya over new election law – Al Jazeera
Next: Australia jet and navy data stolen in ‘extensive’ hack – BBC News

Related News

BLT-1
  • Business
  • Featured

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

Editor May 22, 2025
DSWD-aids-Filipinos
  • Mindanao Post

DSWD aids Filipinos returning from Sabah

Chief Editor May 21, 2025
Marawi-IDP
  • Mindanao Post

Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs

Chief Editor May 21, 2025

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1
  • Business
  • Featured

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025 PagIBIG-Housing-Loan 2
  • National

Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 3
  • Business

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs Marawi-IDP 4
  • Mindanao Post

Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs

May 21, 2025
DSWD aids Filipinos returning from Sabah DSWD-aids-Filipinos 5
  • Mindanao Post

DSWD aids Filipinos returning from Sabah

May 21, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.