COTABATO CITY – Tuluyan nang ipinasara ng Cotabato City government ang pribadong paaralan na Mindanao Capitol Colleges Incorporated o MCCI dahil sa kawalan ng business.
Bukod kasi sa walang business permit at hindi rin umano nagbabayad ng buwis ang naturang paaralan at wala rin itong License to Operate bilang isang educational institution.
Nabatid na noong 2003 pa kinansela ng Securities and Exchange Commission and lisensya ng naturang paaralan matapos na mabigong makipagsumite ng General Sheet and Financial Statements mula pa 1997. Ikinagulat naman ng mga mag-aaral at guro ang pagkandado ng kanilang eskwelahan.
Ayon sa paaralan, kasalukuyan pa umanong pino-proseso ng naturang paaralan ang kanilang mga dokumento kaya’t nakiusap ang pamunuan nito na bigyan sila ng palugit upang hindi maapektuhan ang pag-aaral ng higit 300 nilang mga mag-aaral. (Rhoderick Beñez)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com
Mirror Site: https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates