
PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / May 30, 2014) – Dahil matinding pagkakagipit sa salapi at sa kanyang sakit ay isang 60-anyos na ginang ang nagpatiwakal sa likuran ng kanilang bahay sa bayan ng Dinas sa Zamboanga del Sur, ayon sa pulisya.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rosita Torres na nakatira sa Purok 2, Barangay Legarda Uno at natagpuan ang bangkay kamalawa. Nagbigti umano ang ginang gamit ang isang lubid.
Hirap umano sa pera ang pamilya ni Torres at may iniinda pa itong sakit at posibleng ito umano ang dahilan kung bakit naisipan nitong tuldukan na ang kanyang buhay.
Hindi naman nagbigay ng anumang pahayag ang mga naulila ni Torres na ngayon ay nakaburol sa kanilang maliit na bahay. Hindi naman sinabi ng pulisya kung ano ang sakit ni Torres at kung ilan ang anak nito. (Mindanao Examiner)