Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Provincial bus hinoldap sa Zambo

Provincial bus hinoldap sa Zambo

Editor December 17, 2013
Rural-1
  Isang bus ng Rural Transit of Mindanao. (Mindanao Examiner Photo)

ZAMBOANGA SIBUGAY (Mindanao Examiner / Dec. 17, 2013) – Isang provincial bus ang hinoldap ng 5 mga armado na nagpanggap na pasahero at nalimas umano ang mahigit sa P50,000 mula sa kanilang mga biktima bago tumakas sa highway sa bayan ng Ipil sa Zamboanga Sibugay.

Nabatid na isang pasahero rin ang isinugod sa pagamutan matapos itong bigwasan ng baril ng isa sa mga holdaper matapos na umabno’y tumangging ibigay ang kanyang salapi.

Kinumpirma ng pulisya ang naturang insidente at sinabing pinaghahanap na umano ang mga salarin.

Galing ang bus – na pagaari ng Rural Transit of Mindanao – sa Pagadian City at patungong Zamboanga City ng maganap ang panghoholdap. Sumakay ang mga armado sa bayan ng Kabasalan na katabi lamang ng Ipil. At habang tumatakbo ang bus ay nagdeklara ng holdap ang 5 lalaki na nasa ibat-ibang bahagi ng sasakyan at agad na nalimas ang mga salapi, cell phone, alahas at iba pang mga bagay mula sa kabilang biktima.

Hindi pa mabatid kung may nakilala sa mga salarin. Walang security camera o secret marshal ang naturang bus. Talamak ang holdapan sa kahabaan ng Zamboanga highway. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Is ‘cash-for-work’ program working well in Zamboanga?
Next: NUJP observes “Black Friday” for slain, attacked journos

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025 PagIBIG-Housing-Loan 2

Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 3

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs Marawi-IDP 4

Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs

May 21, 2025
DSWD aids Filipinos returning from Sabah DSWD-aids-Filipinos 5

DSWD aids Filipinos returning from Sabah

May 21, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.