
SULU (Mindanao Examiner / June 8, 2014) – Kaliwa’t-kanan ngayon ang mga proyekto na ipinatutupad ng Sulu provincial government at sa mga nakalipas na buwan ay walang humpay ang mga programang ipinatutupad ni Gov. Totoh Tan.
Kabilang sa mga proyekto ay ang construction ng Jolo Airport Terminal Building sa bayan ng Jolo, construction ng elementary classrooms sa bayan ng Patikul, pababakod o fencing ng Timbangan Elementary School at ng Indanan High School sa bayan ng Indanan at ang katatapos lamang na bagong covered court sa Barangay Tandu Bagua sa bayan ng Patikul at two-storey building sa bayan ng Jolo.
Katuwang rin si Gov. Totoh at Vice Gov. Sakur Tan, gayun rin si Jolo Mayor Hussin Amin sa katatapos lamang na educational program “May K ka sa ARMM (Distribution of Scholarship Allowance) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao. Ito ay programa na pinakikinabangan ng mga piling scholars bilang suporta sa pagtustos sa kanilang pagaaral.
Bukod sa mga proyekto at programang ipinatutupad ay aktibo si Gov. Totoh sa sports development kung kaya’t mas maraming mga kabataan ang ngayon ay nahuhumaling sa basketball, tennis at iba pang mga sports.
Sinabi naman ni Gov. Totoh na marami pa itong ilulunsad na mga proyekto para sa kanyang mga konstituwente at bilang suporta na rin sa kapayapaan sa lalawigan. (Franzie Sali)