KIDAPAWAN CITY – Umani ng papuri ang isinagawang Psychosocial First Aid (PFA) and Debriefing sa lahat ng mga pampublikong guro at division personnel ng Department of Education dito. Ayon sa mga guro, lubhang mahalaga ang PFA and Debriefing para sa kanila, at lalo na sa mga naapektuhan ng kalilipas na lindol.
Sinabi naman ni Schools Division Superintendent Romelito Flores na layunin nito na mabigyan ng angkop at napapanahong kaalaman ang mga guro at non-teaching staff kung ano ang dapat gawin sa panahon ng kalamidad, tulad ng nakaraang lindol.
Ang hakbang ay ginawa ng opisyal kasunod ng magnitude 6.3 na lindol kung saan ay umabot sa intensity 7 ang yumanig sa lungsod. Ang aktibidad ay isinagawa kamakailan lamang at katuwang dito ang pamahalaang lokal ng Kidapawan at ibang ahensiya ng gobyerno upang muling paalalahanan ang mga partisipante sa “duck, cover and hold” practice na dapat gawin ng lahat sa tuwing may lindol o aftershock.

Mahigit sa 1,000 mga kawani ng Department of Education mula sa nasabing ag dumalo sa nasabing aktibidad.
Maging ang National Child Traumatic Stress Network (NCTSN) ng Amerika ay nagsabi na lubhang mahalaga ang PFA sa lahat. Ipinaliwanag nito ang kahalagahan ng PFA, partikular sa mga tao na apektado ng kalamidad.
“PFA is designed to reduce the initial distress caused by traumatic events and to foster short- and long-term adaptive functioning and coping. It is based on an understanding that disaster survivors and others affected by such events will experience a broad range of early reactions (e.g., physical, psychological, behavioral, spiritual).”
“Some of these reactions will cause enough distress to interfere with adaptive coping, and recovery may be helped by support from compassionate and caring disaster responders,” ayon pa sa NCTSN. (Rhoderick Beñez)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Read And Share Our News: Mindanao Examiner Website
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates