NORTH COTABATO – Muling nagpaala ang pulisya sa publiko at motorista na maging maingat sa lansangan matapos ng isang malagim na aksidente na ikinasawi ng 3 katao, kabilang ang isang bata, sa lalawigan ng North Cotabato.
Nabatid mula sa pulisya na isang van at isang motorsiklo ang nagsalpukan kamakailan sa Purok Centro sa Barangay New Rizal sa bayan ng M’lang. Kinilala ang mga nasawi na sina Efren Pagdato, 48, at miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team; Conchita Buenaventura, 48; at Ken Nathaniel Fuentes, 3.
Sugatan naman si Aldrin Jay Cabana, 9. Batay sa ulat, sakay ang mga biktima sa isang motorsiklo na minamaneho ni Pagdato patungo ng BagonTapay sa M’lang ng mabundol sa likuran ng isang Grandia van. Tumakas umano ang tsuper ng van at ngayon ay pinaghahanap pa rin ng mga awtoridad. (Rhoderick Beñez)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com
Mirror Site: https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates