Sinabi ni Lt. Col. Aldrin Gonzales, tagapagsalita ng Police Regional Office 12, na kailangan maging mapanuri ang publiko sa mga nagaalok ng mga ibat-ibang investment schemes na nagbibigay ng 30%-400% interest sa loob ng ilang linggo lamang.

Matuturing itong Ponzi scheme na tulad sa naganp noon sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur na kung saan marami ang nag-imbak ng salapi sa Aman Futures na kinalaunan ay bumagsak dahil isa itong scam.
May mga nabiktima rin ng mga “paluwagan” na naghihikayat sa mga investors na magbigay ng malaking halaga kapalit ang pangakong interest sa kanilang puhunan. Nanawagan pa si Gonzales sa mga nabiktima ng scam na agad magtungo sa awtoridad upang makapaghain ng reklamo laban sa mga nasa likod nito. (Rhoderick Beñez)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com
Mirror Site: https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates