Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Punong Barangay sa North Cotabato, patay sa panibagong pamamaril
  • Featured
  • Mindanao Post
  • National

Punong Barangay sa North Cotabato, patay sa panibagong pamamaril

Chief Editor October 8, 2018

KIDAPAWAN CITY — Patay ang isang punong barangay ng pagbabarilin ng ‘di pa nakilalang suspek na nakamotorsiklo sa panibagong krimen na naganap sa Purok Pagkakaisa, Barangay Pisan sa bayan ng Kabacan, North Cotabato, umaga ngayong Lunes.

Kinilala ang nasawi na si Nestor Ranay, 37-anyos, may asawa at punong barangay ng nasabing lugar.

Sa ulat na nakarating sa Kabacan PNP, pauwi na ang biktima galing ng Barangay Hall matapos na dumalo sa Monday flag raising ceremony alas-9:10 ng umaga.

Pagdating ng biktima sa nasabing lugar lulan ng kanyang Honda Click Scooter ay pinagbabaril ng di pa nakilalang gunman.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa kanyang kaliwang balikat at tiyan na mabilis namang isinugod sa Polymedic Hospital sa Barangay Osias, Kabacan.

Dinala pa ang kapitan sa isang ospital dito sa Kidapawan pero tuluyan ding binawian ng buhay habang ginagamot.

Isa ang pulitika sa mga sinisilip na anggulo bagaman at hindi rin nila isinasantabi ang personal grude sa motibo sa krimen habang nagpapatuloy ang malalimang imbestigasiyon.

Inatasan na ni Mayor Herlo Guzman Jr., ang pulisya na tugisan ang mga suspek na responsable sa krimen. (Rhoderick Beñez)

 

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Guro, patay sa bangungot!
Next: Troops clash with militants in BIFF-MILF stronghold 

Related News

Official-Artwork-for-PR2025-14
  • National

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA

Editor July 1, 2025
Livestock-Aquaculture5
  • National

Innovative Solutions for Sustainable Agri-Fishery: Spotlight on Technology at Livestock and Aquaculture Philippines 2025

Editor June 25, 2025
PCO-SWC1
  • National

PCSO Holds 1st Social Workers Conference to Strengthen Charity Services

Editor June 25, 2025

Trending News

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA Official-Artwork-for-PR2025-14 1
  • National

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA

July 1, 2025
Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage Michael-Harris-Conlin 2
  • Sports

Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage

June 30, 2025
Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore CKD1 3
  • Health

Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore

June 27, 2025
Canon empowers students with affordable, reliable printing solutions Back to School Media Event 6 (1) 4
  • Business

Canon empowers students with affordable, reliable printing solutions

June 26, 2025
Ahead of the Curve: Moda Interni and Pedini Debut the Most Curved, Luxurious Kitchen in the Philippines Goldwin_and_Francesco_1 .jpeg 5
  • Business

Ahead of the Curve: Moda Interni and Pedini Debut the Most Curved, Luxurious Kitchen in the Philippines

June 26, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.