COTABATO CITY – Nagbabadya ang peligro sa isang seaside barangay sa General Santos City matapos na unti-unting nalalamon ng karagatan ang naturang lugar.
Mahigit sa 100 katao ang tinatayang maaapektuhan ng coastal erosion sa Purok Tinago sa Barangay Dadiangas South. Maraming kabahayan na karamihan ang gawa sa kubo at kahoy, ang nasa dalampasigan kung kaya’t nagsilikas na rin ang mga residente doon.
Bukod sa coastal erosion ay mapanganib rin ang lugar dahil sa tuwing may bagyo ay hinahampas ng malalaking alon at malakas na hangin ang purok at ang dalang banta ng storm surge.
Hindi naman mabatid kung bakit hindi agad naaksyunan ng mga opisyal ang pagtatayo ng mga kabahayan sa tabing-dagat sa kabila ng malaking peligro nito. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and https://mindanaoexaminer.com/
Share The News