Still on the Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach fever. Talaga namang pinatunayan ni Pia how deserving siya sa every inch of the crown and sash ng Miss Universe sa ipinakita niyang wit, intelligence, elegance and smart sa 45-seconds Q & A sa kanya ni Don Lemon ng CNN.
With her pang-Miss U na sagot, belat talaga ni Miss Colombia dahil full package talaga si Pia sa nasabing interview and title na rin.
Wow, ang sobrang bongga nga ang mga sinabi sa comment section nito sa social media, dahil kahit foreigners ay sobrang pinahanga niya. Mas lalo pa ngang tumaas ang respeto sa kanya ng milyun-milyong nakapanood ng nasabing show all over the world.
Ang sarap basahin ‘yung mga komento galing mismo sa mga hindi Pinoy lalo na ‘yung mga nagsasabing si Pia ang pinaka-best Miss Universe to date. Bongga, ‘di ba?
Mas lalo tuloy nakita ang kaibahan talaga ni Pia at ni Miss Colombia na bukod sa mukhang masungit ang mukha ay pilipit pa ang dila sa wikang English.
Ang isa pa ngang kinababaliwan ng mga banyaga sa kanya ay ang kanyang kababaan ng loob at hindi pagiging judgmental. Kaya, mas dumagdag ang mga tagahanga niya at ang mga pumupuri sa kanya.
Pero, the greatest challenge ngayon ay sa mismong Bb. Pilipinas-Charities dahil siyempre, iba na talaga ang expectations lalo na susunod na taon.
Kumbaga, nasa kamay talaga nila ang pressure dahil lahat ng Pinoy ay gustong ma-duplicate ang naging achievement ni Pia at hindi ito isang bastang hamon lamang.
Sa dami ng mga potential Miss U sa buong kapuluan ng ating bansa, hindi imposibleng mangyari ito muli. ‘Yun na!(Glenn Regondola)
Link: http://www.abante.com.ph/ent/showbiz-column/push-mo-toh/40298/push-mo-toh-pia-the-best-miss-u-to-date-raw-.html