

MARAWI CITY – Dinagsa ng libo-libong Muslim nag martsa sa sentro ng Marawi City sa Lanao del Sur upang isulong ang kandidatura nina ARMM gubernatorial candidate Sakur Tan, Binladen Sharief sa ARMM vice governor at presidential candidate Rodrigo Duterte, ayon sa Bangsamoro News.
Nagmula ang mga ito mula sa ibat-ibang lugar sa Lanao del Sur, isa sa 5 lalawigan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao at miyembro ng ibat-ibang civil society groups na nagsama-sama lamang kamakalawa upang suportahan ang sina Tan na siyang incumbent Sulu vice governor, at Duterte na mayor naman ng Davao City, at Binladen na kilalang ma-impluwensya sa ARMM.
Kilala si Duterte sa pagtulong sa mga Muslim residents sa Davao City. Ang tatlong kandidato ang sinasabing “magbibigay sagot sa hinaing ng Bangsamoro. Nasa puso nila ang Bangsamoro,” sabi pa ni Amana Ali, isang estuyante sa Marawi City.
“Si Binladen na wala pa sa posisyon ay marami ng nagawa at marami ng natulungan,” ani naman ni Amer Langco, na isang vendor.
Ayon naman kay Adnan, kaya siya sumama sa marsa ay dahil kay Tan: “Nakita ko kay Sakur na matulungin at madaling lapitan.”
Naunang inindorso ng ma-impluwensyang Ompia party si Tan bilang kanilang official candidate sa ARMM gubernatorial race.
Tinatayang nasa kalahating milyon ang mga botante sa Lanao del Sur. Kamakalawa lamang ay nasa Zamboanga si Duterte na kung saan ay libo-libong katao rin ang dumagsa sa rally nito na ginawa sa City Coliseum sa Barangay Tetuan. (Mindanao Examiner)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper