CAGAYAN DE ORO CITY – Matapos ng kaliwa’t-kanan na raid ng New People’s Army sa Davao City at pagkabihag nito sa 5 parak at 2 militias, nilusob naman ng rebeldeng grupo ang isang rice mill sa Valencia City sa Bukidnon province.
Kinumpirma ng pulisya ang paglusob kamakalawa ng mga rebelde sa naturang rice mill at warehouse nito kamakalawa na kung saan ay tinangay ng NPA ang mahigit sa 1200 sako ng bigas.
Wala naman nasaktan sa naganap na raid sa rice mill na pagaari umano ni Konsehal Helen Bernal. Hindi pa mabatid kung nasaan ang mga bigas matapos itong itakas ng mga rebelde sakay ng apat na truck na pinaniniwalaang naharang sa highway.
Tinatayang mahigit sa 60 ang bilang ng mga armadong pumasok sa warehouse sa Barangay Nabagong. Kabilang sa mga rebelde ay pawing mga babae. Hindi naman maipaliwanag ng pulisya at militar kung hindi nila natunugan o napigilan ang paglusob ng mga rebelde.
Nitong buwan lamang ay nilusob rin ng NPA ang Chen and Yap Agri Development Corp. sa bayan ng Sumilao sa Bukidnon at natangay ang mga kagamitan doon. (Mindanao Examiner)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper