KIDAPAWAN CITY – Hinihinalang ‘forbidden relationship’ ang dahilan sa pagpaslang sa isang lalaki matapos na tambangan at pagbabarilin hanggang sa mapatay habang nakaligtas naman ang kinakasama nito sa naganap na krimen sa Sitio Pedatan, Barangay Guiling sa bayan ng Alamada sa North Cotabato.
Kinilala ang nasawi na si Rene Matas, 30, at residente ng Barangay Poblacion 1 sa bayan ng Banisilan habang nakaligtas naman sa pamamaril ang sakay nitong si Jamella Jareño, 42.
Ayon kay PO2 Edgar Regacho, ang imbestigador sa kaso, tinambangan umano ang mga biktima alas-11:20 ng umaga nitong Sabado ng di panakilalang gunman. Balak sanang makipagkita ni Matas sa kanyang apo para kausapin hinggil sa sinasakang lupa ng pagbabarilin ng suspek sa kanyang ari na tumagos pa sa kanyang bituka.
Si Jareño naman ay nadaganan ng motorsiklo at nagpanggap na patay na kaya nakaligtas sa nasabing pamamaril. Sinabi ni Regacho na ang relasiyon ng dalawa ay tinututulan ng kamag-anak ng babae. Hindi naman agad makupirma ang hinala ng pulisya ukol sa motibo ng krimen. Wala rin pahayag ang pamilya ng dalawa sa naturang alegasyon. (Rhoderick Beñez)