Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Rumble sa Tacurong City dahil lang sa babae
  • Featured
  • Mindanao Post

Rumble sa Tacurong City dahil lang sa babae

Chief Editor June 11, 2015
TACURONG CITY – Nauwi sa saksakan ang pagtatalo ng dalawa sa mga sangkot dahil sa pagiging “textmate” ng isa ang umano ay “siyota” nito at humantong sa kamatayan ng isa habang tatlong iba pa ang sugatan at isa pa ang nasa maselang kalagayan sa insidente naitala dakong alas 3:00 ng madaling araw nitong Huwebes sa bisinidad ng palengke dito.
Nagtalo umano sina Marlon Apolonio, 20; at Ryan Lumidas, 18, makaraang gawing “textmate” umano ng huli ang di-pinangalanang “syota” ni Marlon haang ang mga ito ay nasa isang bahay aliwan dito.
Makaraang lumabas ang mga ito ay bigla umanong nagpang-abot ang grupo ng dalawang sangkot sa di kalayuang bahagi ng tindahan ng mga prutas kung saan naganap nga ang saksakan ng parehong grupo at sinasabing patay makaraang maisugod sa isang pagamutan si Jimmy Abpet y Donde, 21; habang sugatan naman sa bahagi ng kaliwang balikat ang estudyanteng si Bonie Wahab at sinasabing nasa maselang kalagayan naman si Abdul Mante , 25; dahil sa tinamong malalaim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Kapwa sugatan din sina Apolonio na may tama sa kaliwang bahagi ng kili-kili nito at si Lumidas na pawang nasa pagamutan din habang nabatid sa PNP-Tacurong na ihinahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga ito kung saan ayon pa kay SP04 Gerry Gabarlan, pinuno ng mga imbestigador sa nasabing himpilan ay karagdagang pagsisiyasat ang kanilang isinasagawa pa sa nasabing insidente habang inaalam din ang posibleng pagkaka-kilanlan ng babaeng naging ugat ng pagtatalo ng grupo. (Rose Muneza)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News
fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Zamboanga City Government News Bits – June 11, 2015
Next: Foreign mercenaries sasabak kontra Sayyaf, ISIS sa Mindanao

Related News

Basilan-Peace-Agreement
  • Mindanao Post

Peace agreement ends longstanding ‘rido’ in Basilan

Editor June 17, 2025
PhilHealth-logo
  • Mindanao Post

PhilHealth’s KonSulTa Program Reaches Zamboanga City Jail: Advancing Inclusive and Preventive Health Care

Editor June 17, 2025
Misamis-Drug-Free
  • Mindanao Post

Misamis Oriental town receives Balangay Seal of Excellence

Editor June 16, 2025

Trending News

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines Jeffrey-Navarro,-Country-Manager,-Visa-Philippines 1
  • Business

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines

July 1, 2025
Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements Singapore-Airline 2
  • Business

Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements

July 1, 2025
Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA Official-Artwork-for-PR2025-14 3
  • National

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA

July 1, 2025
Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage Michael-Harris-Conlin 4
  • Sports

Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage

June 30, 2025
Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore CKD1 5
  • Health

Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore

June 27, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.