
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Feb. 17, 2013) – Wala pa rin nakikitang solusyon sa pagmamatigas ng Sultanate of Sulu and North Borneo sa ginawa nitong pagpasok sa bayan ng Lahad Datu sa Sabah, Malaysia.
Unang inulat na nasa 100 ang nga Muslim mula Sulu at Tawi-Tawi ay nasa Sabah, ngunit sa pinakahuling ulat ay lumobo na ito sa halos 300 at suportado rin ng mga lokal sa Sabah.
Iginit ng Sultanate of Sulu na pagaari pa rin nito ang Sabah na ilegal na kiunuha ng Malaysia mula sa mga Britanya na siyang umarkila noon sa nasabing isla.
May mga ulat na armado rin ang ilan sa mga pumasok sa Sabah at ilan sa kanila ay pawang mga miyembro ng Moro National Liberation Front sa ilalim ng grupo ni Nur Misuari.
Matatandaang galit na galit pa rin si Misuari sa Malaysia dahil sa pagaaresto sa kaniya at 13 iba pang kasamahan ng sila’y tumakas matapos ng bigong rebelyon sa Zamboanga at Sulu mahigit isangd dekada na ang nakalipas.
Maging ang Malaysia ay suklam rin kay Misuri dahil sa kabiguan naman nitong mailigtas ang ilang dosenang Malaysian nationals na dinukot ng Abu Sayyaf nuong 2000 ng pasukin ng mga kidnappers ang Sipadan island resort at isa pang isla.
Maging ang Department of Foreign Affairs at ang Western Mindanao Command ay tikom pa rin ang bibig sa naganap na pagpasok ng mga Muslim sa Sabah ng hindi man lamang nbito natunugan. (Mindanao Examiner)