ZAMBOANGA CITY – Tumitindi ang girian sa pagitan ng Abu Sayyaf at Moro National Liberation Front sa lalawigan ng Sulu matapos na mapatay ang isang miyembro ng MNLF sa bayan ng Indanan.
Sinunog rin ng Abu Sayyaf ang ilan mga kabayahan ng MNLF sa naturang lugar na kung saan ay napaslang kahapon si Gaber Majang, na dati rin army integrer. Isa kasamahan ni Majang ang sugatan sa labanan sa grupo ni Abu Sayyaf sub-leader Sibih Pisih sa Barangay Buanza.
Hinihinala ng Abu Sayyaf na ang MNLF ang siyang nagsusumbong sa militar ukol sa mga galaw ng grupo. Ibinintang rin ni Pisih sa grupo ni Majang ang pagkakapatay sa tauhan nitong si Abu Quodama noon Pebrero 7.
Naunang pumutok ang balita na nagkagirian ang MNLF at Abu Sayyaf dahil sa kagustuhan ng Abu Sayyaf na magtago sa mga kuta ng dating rebeldeng grupo. Hinihimok rin umano ng Abu Sayyaf ang mga miyembro ng MNLF na sumanib na lamang sa kanila at iwan na ang grupo ni Nur Misuari, ang lider ng MNLF.
Walang pahayag ang pulisya at militar sa Sulu ukol sa iringan ng dalawang grupo, at hindi rin nagbibigay ng impormasyon ang Western Mindanao Command sa naganap na sagupaan. Hindi pa mabatid kung may nadamay na mga sibilyan sa labanan. (E. Dumaboc)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper