NORTH COTABATO — Dalawa katao ang naiulat na nasawi habang sugatan naman ang dalawa makaraang pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo sa panibagong krimen na naganap sa Purok Tagumpay 1, Brgy. Marbel, Matalam,North Cotabato, Huwebes ng gabi.
Kinilala ni Police Chief Inspector Sunny Rubas Leoncito ang hepe ng Matalam PNP ang mga nasawi na sina Isidro Mata Cantil, 56-anyos, may asawa at drayber ng tri wheel driver at Ruben Alcalde Ramuhal, 52-anyos, magsasaka kapwa residente ng Brgy. Kabulacan, Matalam, Cotabato.
Habang sugatan naman sina Prudencio Mata Cantil, 45-anyos ng Purok 4, Brgy. Kabulacan ng nasabing bayan at Ruel Santillano Agbunag, 39-anyos, isang public school teacher at residente ng Purok 4-b, Brgy. Kibia, Matalam, Cotabato.
Ayon sa ulat, alas-7:20 kagabi kungsaan galing ang mga biktima sa isang ospital sa Poblacion matapos na may dinalaw ng pauwi na ang mga ito ay sinundan sila ng tatlong mga suspek na sakay ng single motorsiklo.
Niratrat ang mga biktima kungsaan ikinasawi nina Cantil at Ramuhal na dinala pa sa pagamutan pero di na umabot ng buhay.
Bagaman at may suspek at may lead ng sinusundan ang Matalam PNP, ‘di muna ito binanggit ni Leoncito upang di ma diskarel ang ginagawa nilang imbestigasiyon. Rhoderick Beñez