Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Sanggol itinali ang paa’t kamay, nailigtas

Sanggol itinali ang paa’t kamay, nailigtas

Editor November 4, 2014
Mindanao-2BBoy

DAVAO CITY – Nahaharap sa kasong kriminal ang isang ama matapos nitong iwan na nakagapos ang kanyang sanggol sa kuwartong inuupahan sa Davao City sa Mindanao.

Hindi pa matagpuan ang amang si Jerry Iwag  matapos itong umalis ng kanilang tinutuluyang kuwarto at iwan ang siyam na buwang gulang na sanggol na nakatali ang mga paa at kamay sa papag. Nailigtas ang bata kamakalawa matapos na mapuna ng mga kapitbahay ang maya’t-mayang pag-iyak nito.

Tadtad umano ng kagat ng insekto ang buong katawan ng sanggol ng ito’y madiskubre. Nabatid na iniwan ng ama ang kanyang anak sa paghahanap sa asawang lumayas. Hindi pa malaman kung ano ang kinahinatnan ni Jerry, ngunit ngayon pa lamang ay naka-abang na sa kanyang pagbabalik ang kasong child abuse.

Ayon naman sa ulat ng Radyo Bombo ay isang buwan pa lamang nangungupahan si Jerry sa naturang kuwarto sa Purok 3 sa Barangay 25-C na sakop naman ng Santa Ana district. Agad rin umanong dinala sa Department of Social Welfare and Development ang sanggol upang mabigyan ng sapat na pangangalaga.

Masuwerte umano at agad nailigtas ang bata at kung nagtagal pa ito ay maaaring mamatay ang sanggol sanhi ng gutom at matinidng init sa kuwarto. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com and http://www.mindanaoexaminer.net

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Muslim groups reject all-out military offensive in Mindanao
Next: Laguindingan Airport in Northern Mindanao braces for night landing operations

Trending News

Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs DMW-logo 1

Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs

May 20, 2025
PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025 TPB2 2

PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025

May 20, 2025
PH backs ASEAN-wide visa, eyes tourism boost from unified entry DOT 3

PH backs ASEAN-wide visa, eyes tourism boost from unified entry

May 19, 2025
DBM OKs 16K new teaching positions for SY 2025-2026 DBM-logo 4

DBM OKs 16K new teaching positions for SY 2025-2026

May 19, 2025
Beneficiaries all praises for PBBM’s 4PH housing units 4Ph1 5

Beneficiaries all praises for PBBM’s 4PH housing units

May 19, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.