Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • SAP Bong Go, tiniyak na maayos ang kalusugan ng Pangulo
  • Featured
  • Mindanao Post
  • National

SAP Bong Go, tiniyak na maayos ang kalusugan ng Pangulo

Chief Editor August 27, 2018

KIDAPAWAN CITY – Iginiit ni Special Assistant to the President Bong Go na nasa maayos na kondisyon ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni Go kasabay ng ambush interview ng mga mamamayag sa isinagawang pagbubukas ng 104th Founding Anniversary ng North Cotabato at Kalivungan Festival 2018 nitong Agosto 26.

 

Larawan Kuha nina: Nica Sotto Cumilang at Sydney Nanini, PGO-Media Center

Ginawa ni Go ang pahayag kasabay ng panawagan ng mga kritiko ng Pangulo na sumailalim ang presidente sa medical check-up.

Tiniyak din ng opisyal na nasa magandang kondisyon si Duterte at malakas ito taliwas sa inihayag ni CPP-NPA Founding Chairman Jose Maria Sison na na-comatose ang Pangulo. Nagbiro pa si Go na ang mga kritiko nitong nagsasabi na masakitin ang Pangulo ang posibleng mauuna pang bawian ng buhay.

Samantala, pinasalamatan din ni Go si Governor Emmylou Mendoza matapos na inimbitahan siya bilang pangunahing tagapagsalita sa pagbubukas ng isang linggong selebrasiyon ng lalawigan.

Sinabi nito na malaki ang pagbabago ng lalawigan sa larangan ng agrikultura, ekonomiya at naipangat ang probinsiya sa kasalukuyang pamamahala ng punong ehekutibo ng lalawigan.

Matatandaang pinagmumura ni Duterte si Mendoza noon kasagsagan ng 2016 presidential election campaign matapos na sabihin ng governor na huwag gamitin sa pulitika ang naging marahas na pagpapataboy sa mga raliyistang nagprotesta sa Kidapawan City na kung saan 2 ang nasawi at mahigit sa 100 ang sugatan ng pagbabarilin ito ng mga parak.

Ito ay matapos na aprubahan ng Davao City Council ang isang resolusyon na nagbigay ng mahigit sa P31 milyon ang pamahalaang lokal – na kung saan ay mayor noon si Duterte – para ipambili ng bigas at ipamahagi sa mga raliyistang magsasaka na humihingi lamang noon ng bigas sa gobyerno.

Si Mendoza at isang Liberal party member at kaalyado ni dating Pangulong Benigno Aquino. (Mindanao Examiner)

 

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com/
http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
See Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates/

 

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Coast Guard seizes 22,000 bags of rice off Basilan
Next: Radyo Mindanao August 27, 2018

Related News

Official-Artwork-for-PR2025-14
  • National

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA

Editor July 1, 2025
Livestock-Aquaculture5
  • National

Innovative Solutions for Sustainable Agri-Fishery: Spotlight on Technology at Livestock and Aquaculture Philippines 2025

Editor June 25, 2025
PCO-SWC1
  • National

PCSO Holds 1st Social Workers Conference to Strengthen Charity Services

Editor June 25, 2025

Trending News

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines Jeffrey-Navarro,-Country-Manager,-Visa-Philippines 1
  • Business

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines

July 1, 2025
Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements Singapore-Airline 2
  • Business

Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements

July 1, 2025
Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA Official-Artwork-for-PR2025-14 3
  • National

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA

July 1, 2025
Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage Michael-Harris-Conlin 4
  • Sports

Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage

June 30, 2025
Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore CKD1 5
  • Health

Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore

June 27, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.