KIDAPAWAN CITY – Walang humpay ang Metro Kidapawan Water District (MKWD) sa pagbibigay ng wastong serbisyo sa mga residente upang maabot ng sapat na patubig ang maraming mga barangay dito.
Sinabi naman ni MKWD General Manager Estella Gonzales na nakalatag na ang kanilang 15-year development plan upang mabigyan ng sapat na supply ng tubig ang mga residente.
Inaasahan naman na mangangailangan ng pondo ang MKWD upang maisakatuparan ang mga programa nito para sa kapakanan ng publiko. Kabilang na dito ang loan sa halagang P510 milyon at dagdag-singil sa konsumo ng tubig. Sa Enero nakatakda ang maliit na dagdag-singil sa tubig, ayon kay Gonzales.
Ito rin ang sinabi ni MKWD Assistant Manager for Operations, Engineer Wilesper Lisandro Alqueza at halos dalawang dekada na rin umano na hindi nakapagpatupad ng rate adjustment ang water district sa kabila ng pagtaas ng mga presyo ng lahat ng mga produkto at kagamitan.
Suportado naman ito ng publiko ang programa ng MKWD basta mabigyan lamang ng sapat na patubig ang lungsod. Kamakailan lamang ay binuksan ng MKWD ang bagong “Rapid and Slow Sand Filtration Plant (Phase 2)” plant na nagkakahalaga ng P18 milyon upang maserbisyuhan ang mga ibat-ibang barangay, partikular ang Balabag at San Roque.
Mismong sina Dr. Alfredo Villarico, chairman ng MKWD board of directors, ang nanguna sa inagurasyon ng filtration plant kasama sina City Legal Officer Atty. Paolo Evangelista na siyang kumatawan kay Mayor Joseph Evangelista; at Councilor Maritess Malaluan.
Sinabi ni Alqueza na ang filtration plant ay magbibigay ng sapat at malinis na supply ng tubig sa mga residente. “The quality of water here is way better that in other areas in Mindanao and has a lower turbidity based on international standard set by the World Health Organization,” ani ng opisyal. (Rhoderick Beñez)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Read And Share Our News: Mindanao Examiner Website
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates