
KIDAPAWAN CITY (Mindanao Examiner / Jan. 17, 2013) – Niyanig ng lindol kahapon ang Sarangani province sa Mindanao, ngunit wala naman inulat na pinsala o nasawi sa panibagong lindol.
Ayon sa bulletin na inilabas ng U.S. Geological Survey ay nasa Magnitude 4.9 ang lakas ng llindol na naramdaman dakong alas 12.58 n.h. sa bayan ng Kiamba.
Ang sentro ng lindol ay halos 71 kilometro ang lalim sa lupain.
Ang Pilipinas ay nasa tinatawag na “Pacific ring of fire” na kung saan ay nasa ilalim ng karagatan ng bansa ang napakaraming mga bulkan na isang dahilan sa patuloy na pagyanig sa ibat-ibang bahagi ng bansa. (Geonarri Solmerano)