Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Sarhento ng army, inakusahan ng pananakit sa Sultan Kudarat

Sarhento ng army, inakusahan ng pananakit sa Sultan Kudarat

Editor April 7, 2014
Mindanao-copy17

SULTAN KUDARAT (Mindanao Examiner / Apr. 7, 2014) – Isang sundalo ng Philippine Army at isang CAFGU militia ang inakusahan ng pananakit sa apat na ibang militiamen sa bayan ng President Quirino sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Nailigtas lamang diumano ni Katiku Barangay Captain Sancho Salamanca ang mga biktima na nagsabing pinahirapan sila ng naturang sarhento na siyang cadre officer ng 9th CAFGU Active Auxiliary. May cellphone video rin umano ang naganap na pagpapahirap kamakailan lamang sa apat na militia.

Nabatid na dinisarmahan umano ng naturang sarhento ang apat na militia ng sila’y dumating sa kanilang detachment sa hindi pa malamang kadahilanan. At matapos nito ay pinagapang sila sa isang canal habang nilalatigo naman ng isa pang militiaman sa utos ng cadre officer.

Narinig pa umano na sinabi ng sarhento sa apat na:  “Dito walang batas-batas, puwede ka maglasing, magdala ng babae at magkamang-kamang.” Hindi naman nagbigay ng pahayag sa Mindanao Examiner ang akusado.

Nakarating na rin diumano kay Colonel Melquiades Feliciano, ng 601st Infantry Brigade, ang naturang reklamo at Nangako ito na iimbestigahan ang alegasyon. (Rose Muneza)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Beaten Indon DH returns to Hong Kong
Next: Convicted robber killed in Tacurong City

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025 PagIBIG-Housing-Loan 2

Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 3

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs Marawi-IDP 4

Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs

May 21, 2025
DSWD aids Filipinos returning from Sabah DSWD-aids-Filipinos 5

DSWD aids Filipinos returning from Sabah

May 21, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.