ZAMBOANGA CITY – Hawak ngayon ng mga awtoridad ang isa umanong miyembro ng Abu Sayyaf na nadakip sa bayan ng Malangas sa Zamboanga Sibugay province.
Kinilala naman ng pulisya ang suspek na si Ibno Sanday na nakipagbarilan pa sa mga awtoridad ng ito’y aarestuhin sa Barangay Sinusayan. Nakatakas naman ang isa pang sub-leader ng Abu Sayyaf na si Hapidz Abdurahman sa naturang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya noon nakaraang lingo.
Nabawi sa hideout nina Sanday ang isang shotgun at mga bala nito, isang kalibre .45 at granada, gayun rin ang mga hinihinalang shabu. Iginiit ng militar na Abu Sayyaf si Sanday at kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya si Sanday. (Mindanao Examiner)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper