ZAMBOANGA CITY – Hawak ngayon ng pulisya ang isang kilabot na sub-leader umano ng grupong Abu Sayyaf matapos itong madakip sa Basilan province sa magulong Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sinabi kahapon ng pulisya na nasukol ng mga parak at sundalo si Ibrahim Akbar, alias Ustadz Atti, sa bayan ng Maluso kamakalawa matapos na ito’y matunton sa kanyang taguan. Nabatid na may P600,000 bounty sa ulo si Akbar dahil sa mga kinasasangkutan nitong mga kasong pagpatay.
Itinuturo rin si Akbar na nasa likod ng pagpapasabog ng dalawang bomba sa Kidapawan City noong 2006 na ikinamatay ng isang sundalo. Sabit rin si Akbar sa kidnapping ng Spanish missionary na si Father Bernardo Blanco noong 1993 at sa iba pang mga atake sa tropa ng militar sa Basilan.
Hindi nagbigay ng anumang pahayag ang pamilya ni Akbar sa pagkakadakip nito, ngunit patuloy itong iniimbestigahan ng Criminal and Investigation and Detection Group sa Zamboanga City. (Mindanao Examienr)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper