Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Sayyaf nagpasabog ng 2 bomba sa Lamitan City

Sayyaf nagpasabog ng 2 bomba sa Lamitan City

Editor September 20, 2014
Basilan-2Baerial
 Basilan province. (Mindanao Examiner Photo)
 

BASILAN PROVINCE – Dalawang bomba ang pinasabog ng Abu Sayyaf sa tabi ng kalsada sa Lamitan City sa Basilan, isa sa 5 lalawigan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Walang nasaktan o nasawi sa pagsabog ng improvised explosive device kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Kulay Bato.

Magkasunod itong sumabog at ayon sa army ay target umano ng Abu Sayyaf ang Department of Public Works and Highway na matagal ng hinihingian ng salapi ng teroristang grupo.

Halos mawasak at tumumba naman ang isang poste sa lakas ng pagsabog ng bomba. Walang umako sa panibagong karahasan ng Abu Sayyaf, ngunit hindi naman mabatid kung paanong nakalusot ito sa pulisya.

Wala rin pahayag na inilabas ang Western Mindanao Command ukol sa pagsabog, ngunit ito ay naganap kasabay ng anunsyo ng militar sa pagkakatatag ng “Joint Task Force ZAMBASULTA” na siyang tututok sa banta ng terorismo at rebelyon sa Zamboanga City, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Ang hepe ng Naval Forces Western Mindanao na si Rear Admiral Reynaldo Yoma ang tumatayong commander ng joint task force. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Exempt OFWs from new terminal fee – Migrante
Next: Shariff Aguak Mayor isinabit sa pagpatay

Trending News

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental Anna-Rosal-Verga 1

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental

May 20, 2025
Two new Begonia species discovered in Davao Oriental Begonia1 2

Two new Begonia species discovered in Davao Oriental

May 20, 2025
Tourism driving change in Isabela City de Basilan basilan 3

Tourism driving change in Isabela City de Basilan

May 20, 2025
Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs DMW-logo 4

Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs

May 20, 2025
PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025 TPB2 5

PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025

May 20, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.