
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Nov. 28, 2012) – Nadakip ng mga awtoridad ang isa umanong miyembro ng Abu Sayyaf sa Zamboanga City na sabit umano ito sa ibat-ibang kaso ng kidnappings at pagpatay sa magulong lalawigan ng Basilan.
Sa isang mall sinasabing nadakip si Algaber Said ng mga miyebro ng National Bureau of Investigation at may bounty umano ito sa kanyang ulo na mahigit sa kalahating milyong piso.
Hindi naman iniharap sa media ang naturang rebelde at kung ano ang pakay nito sa Zamboanga City.
Walang pahayag na inilabas ang pamilya ni Said sa pagkakadakip sa kanya o kung alam na ba nilang nahuli ito sa Zamboanga. Marami ng nadakip na mga miyembro ng Abu Sayyaf dito at kalimitan ay agad naman itong dinadala sa Camp Bagiong Diwa sa Taguig City sa hindi pa mabatid na kadahilan.
Nitong nakaraang lingo lamang ay isang isang kilabot na miyembro ng Abu Sayyaf na si Tuma ang inaresto sa Zamboanga City ng militar dahil sa pagkakasabit nito sa 2002 kidnapping ng isang