
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Nov. 24, 2012) – Nadakip ng militar at pulisya sa Zamboanga City ang isang kilabot na miyembro ng Abu Sayyaf na sabit sa 2002 kidnapping ng isang grupo ng Jehiva’s Witness sa lalawigan ng Sulu.
Kinilala naman ni Capt. Alberto Caber, ang tagapagsalita ng 1st Infantry Division, ang nadakip na si Tuma. Nasukol ito sa kanyang taguan sa Barangay Tulungatung matapos ng mahabang intelligence operation.
“The operation was launched by combined elements from the (Army’s) Task Force-Zamboanga, the Air Force and Zamboanga police and this resulted to the arrest of Tuma who is wanted for kidnappings, among other charges,” ani Caber sa pahayag nito sa Mindanao Examiner.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad si Tuma sa Zamboanga City upang alamin kung nasaan ang ibang mga kasamahan nito sa Zamboanga City.
Pinuri naman ni Maj. Gen. Ricardo Rainier Cruz III, ang regional army commander, ang mga tropa sa pagkakahuli kay Tuma at bahagi umano ito ng Oplan Bayanihan, ang codename ng militar sa Internal Peace and Security Plan.
“As long as there are strong IPSP supporters in our localities, we are confident in hunt against lawless group,” wika pa ni Cruz.
Nitong September lamang ay dalawang miyembro rin ng Abu Sayyaf na sina Imam Pai at Aling ang nadakip ng militar sa bayan ng Labason sa katabing lalawigan ng Zamboanga del Norte. Sabit ang mga ito sa kidnapping ng 21 people, kabilang ang 3 mga Kano sa Dos Palmas resort sa Palawan nuong 2001. (Mindanao Examiner)