ZAMBOANGA CITY – Napatay ngayon Huwebes ng militar ang isang miyebro ng Abu Sayyaf sa panibagong sagupaan na naganap sa bayan ng Indanan sa lalawigan ng Sulu.
Sinabi ng militar na isang sundalo at rebelde rin ang sugatan sa labanan at patuloy ang operasyon ng mga sundalo sa nasabing bayan na kilalang kuta ng Abu Sayyaf.
Nasa patrulya umano ang mga tropa ng militar ng matumbok nito ang isang grupo ng Abu Sayyaf kung kaya’t nagkaroon ng habulan. Tumindi lamang ang labanan ng dumating ang halos limang dosenang mga rebelde at tumulong sa kanilang mga kasamahan.
Natigil lamang ang sagupaan ng dumating ang mas maraming sundalo kung kaya’t napilitan na tumakas ang mga rebelde.
Isinabit ng militar ang Abu Sayyaf sa al-Qaeda at Jemaah Islamiya at kamakailan lamang ay nai-ugnay rin sa ISIS. Ang nasabing grupo ang siyang itinuturong nasa likod ng maraming kidnapping sa western Mindanao. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News