ZAMBOANGA CITY – Isang principal ng pribadong paaralan sa Zamboanga City ang binaril sa dibdib ng asawa ng kanyang pamangkin matapos na magtalo sa loob ng kanilang bahay.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Raihana Tanjiril, 38, ng Asia Academy. Itinakbo ito sa pagamutan dahil sa tama ng bala sa kanyang dibdid. Binaril diumano ni Mohd Paisal si Tanjiril sa sariling bahay nito sa Ledesma Compound sa Barangay Baliwasan Grande nitong Huwebes ng gabi.
Nagpunta umano si Paisal sa bahay upang kausapin ang asawa nitong so Zulpatra at himukin na makipag-ayos matapos na mag-away. Ngunit nagkaroon naman ito ng pagtatalo hanggang sa pagbalingan ng suspek ang biktima at ito ay binaril, ayon kay Insp. Dahlan Samuddin, ang regional police spokesman.
“Pinaghahanap natin ngayon yun suspek dahil tumakas ito matapos ng pamamaril,” ani Samuddin.
Walang pahayag ang pamilya ng biktima ukol sa naganap, ngunit inaasahang magreresulta ito sa ‘rido’ o family feud sa pagitan ng pamilyan ng principal at suspek maliban lamang kung agad itong maaayos. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News