
MANILA (Mindanao Examiner / May 8, 2014) – Itinanggi sa pahayagang Mindanao Examiner ng kumpanyang Segway Philippines na units nila ang mga ‘personal transporter’ na ginagamit ngayon ng Manila Police District bilang karagdagan sa kanilang patrol.
Matatandaang kamakailan lamang ay mismong si Mayor Erap Estrada pa ang sumubok sa isa sa 10 personal transporter nito at sinabi ng Manila Police District na ito ay Segway personal transporter.
Donasyon umano ng isang pribadong organisasyon ang 10 units nito sa Manila Police District at balak pa ngayon ng pulisya na bumili ng 50 karagdagang units.
Sa mga lumabas na mga larawan at ulat sa ibang mga pahayagan ay tinawag pa itong “Segway Scooter” at “Segway Chariot” ang mga ito, ngunit wala naman ganitong modelo ang orihinal na Segway personal transporter at ang sa kanila ay ang “i2 Patroller” at “x2 Patroller” na kasalukuyang ginagamit sa mahigit na 1,200 police departments sa buong mundo.
Ngunit sa ipinadalang sagot ng Segway Philippines sa katangungan ng Mindanao Examiner kung orhinal bang Segway ang gamit ng Manila Police District ay ito ang naging tugon ng kumpanya:
“The personal transport vehicles being used by the Manila Police District are in fact not Segway PT vehicles. Evident in the photos and videos circulating the media recently, the members of the Manila Police District are using four-wheeled personal transportation vehicles.”
“These are clearly different from actual Segway PTs which only have two wheels and are self-balancing personal transporters. So don’t be fooled by them and keep Simply Moving with Segway Inc.” (Mindanao Examiner)