Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • National
  • SELDA ‘nandiri’ sa desisyon ni PNoy
  • National

SELDA ‘nandiri’ sa desisyon ni PNoy

Editor February 14, 2014
SELDA-copy

MANILA (Mindanao Examiner / Feb. 15, 2014) – Ibinulalas ng grupong SELDA ang pandidiri sa itinalagang retiradong police general na si PNP Director Lina Sarmiento bilang tagapangulo ng Human Rights Victims Claims Board, na siyang magpoproseso ng pagkilala at bayad-pinsala sa mga biktima ng Batas Militar.

“Ito ang pinakamalubhang insultong ipinataw ng gobyernong Aquino sa mga biktima ng Batas Militar. Bahagi si Sarmiento ng Philippine Constabulary na nagpatupad, kasama ang AFP, ng pinakamalalang paglabag sa karapatang pantao noong diktadurya ni Marcos. Paano namin ito maaatim?” bulalas ni Marie Enriquez, tagapangulo ng SELDA, sa ipinadalang pahayag sa Mindanao Examiner.

Sinabi nito sa pahayagan na wala umano ni isa mang nominado ng SELDA ang naitalaga sa Human Rights Victims Claims Board, sa kabila ng isinasaad ng probisyon sa RA 10368, o ang Human Rights Victims Recognition and Reparation Act, na ang SELDA ay isa sa mga human rights organizations na maaaring magpasa ng nominasyon upang maging kinatawan at katuwang sa pagkilala ng mga biktima ng diktaduryang Marcos.

“Hindi ang claims board na ito ang totoong titindig para sa mga biktima ng martial law. Ito ang Claims Board ni Noynoy Aquino na pinangungunahan ng isang heneral na mula sa pinakakinatatakutang bumababoy ng karapatang pantao, ang lipas nang Philippine Constabulary na pinalitan ng Philippine National Police,” ani Enriquez.

Itinalaga namang mga miyembro ng claims board sina Jose Luis Martin Gascon, Byron Bocar, Aurora Parong, Galuasch Ballaho, Jacqueline Mejia, Glenda Litong, Wilfred Asis at Erlinda Senturias.

Tinawag ni Enriquez ang pagkakaluklok kay Sarmiento bilang “sukdulang arogansya ng gobyernong Aquino na mula’t mula pa ay may layong isantabi ang libo-libong biktima ng paglabag sa karapatang pantao.”

“Pagkatagal-tagal na pinaghintay ni Pang. Aquino ang mga biktima sa pagtatalaga ng claims board para lamang biguin sila sa huli. Ang mga pagtatalaga ni Aquino II nitong huli ay pagpapakita kung paano niya itinuturing ang mga Pilipinong nakibaka para sa kalayaan at demokrasya, at ang mga lumaban na ginamit ng kanyang ina at siya mismo, para makapamayani sa gobyerno. Paiigtingin namin ang aming panata sa paggigiit ng hustisya. Susubaybayan at babantayan naming mabuti ang claims board na ito ni Aquino,” saad pa ni Enriquez.

Ipinu-protesta ng SELDA ang binuong claims board ni Aquino. Bubuuin nila ang binansagan nilang “People’s Claims Board” na kinabibilangan ng mga nominado ng SELDA para sana Human Rights Victims Claims Board.

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Village official killed in Dipolog City
Next: Talks to increase US military presence in Philippines going on

Related News

PagIBIG-Housing-Loan
  • National

Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025

Editor May 22, 2025
DMW-logo
  • National

Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs

Editor May 20, 2025
TPB2
  • Business
  • National

PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025

Editor May 20, 2025

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025 PagIBIG-Housing-Loan 2

Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 3

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental Anna-Rosal-Verga 4

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental

May 20, 2025
Two new Begonia species discovered in Davao Oriental Begonia1 5

Two new Begonia species discovered in Davao Oriental

May 20, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.