Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Senator Grace Poe: Ang Inyong Pangulo
  • Featured
  • National

Senator Grace Poe: Ang Inyong Pangulo

Desk Editor September 16, 2015

12006592_1027484137282800_5618680113074444724_o

MANILA – Umani ng maraming suporta si Senator Grace Poe matapos na pormal nitong inanunsyo ang kanyang kandidatura sa pagka-pangulo sa halalan sa susunod na taon.

Ginawa ni Poe ang deklarasyon sa University of the Philippines Bahay ng Alumni sa Quezon City na kung saan ay napuno ang lugar ng mga supporters nito. Maraming beses rin pinalakpakan si Poe sa kalagitnaan ng kanyang talumpati na kung saan ay inilatag nito ang kanyang plataporma.

Suportado naman ng ibat-ibang mga grupo ang naging pahayag ni Poe, na tumakbo noon bilang independent candidate sa Senado.

Naunang sinabi ni Pangulong Aquino na hindi ito nababahala sa planong pagtakbo ni Poe sa halalan. Ito ay sa kabila ng ilang ulit na panliligaw ng Liberal Party ni Aquino sa senadora upang maging vice presidential bet ni Mar Roxas, ang pambato ng pamahalaan sa pagka-pangulo.

Inisa-isa rin ni Poe ang kanyang nais na matugunan kung sakaling mahirang na pangulo at ito ang mga Sumusunod:

  1. Sa edukasyon, ayusin ang lahat ng silid-aralan, mag-digital na tayo at tapusin ang lahat ng kakulangan o backlog. Sisikapin natin na palawakin ang ating scholarship program at  pagtibayin ang “study now pay later program”. Tulungan din nating makapag-internship at trabaho ang mga college students para habang nag-aaral may kita na sila at kapag nagtapos, ay may experience na.
  2. Payayabungin natin ang sektor ng agrikultura. Tutugunan natin ang hinaing nila sa lupa. Ang irigasyon ay kailangan pa sa kalahating milyong ektarya. Ilarga natin ang mekanisasyon. Kailangan ng epektibong programa para lumaki naman ang kita sa pangingisda, pagtatanim at paghahayupan.
  3. Gagawin nating prayoridad ang pag-aayos ng ating mga imprastruktura – kalye, tren, airport, seaport o internet man. ‘Di ito dapat kasing bagal ng sasakyan sa EDSA. Sisikapin kong pa-angatin ang taunang budget para sa imprastruktura nang 7% ng GDP (Gross Domestic Product). Kung ‘di kaya ng pribadong sektor, isusulong ko ang isang government-supported industrialization at IT (Information Technology) plan para makalikha ng industriya. Pag dumami ang Made in the Philippines, dadami din ang trabaho dito. Ito ay dapat gawin habang pinangangalagaan ang kalikasan.
  4. Walang iisang tao o grupo na may monopolya sa tuwid na daan. Malaki at malayo na  ang nagawa ni Pangulong Aquino kaugnay sa pagpapanagot sa mga tiwali, at ako’y personal na nagpapasalamat sa kanya dahil nanumbalik muli ang kumpyansa natin sa isang lider na tapat. Dapat lang na ituloy at pa-igtingin ang pagsugpo sa korapsyon. Papanagutin ko ang tiwali, kaibigan man o kaaway, subalit ‘di lamang isang tao o partido ang dapat nagsusulong nito, kundi ang bawat isang Pilipino. Para higit na palakasin ang transparency sa gobyerno, isasabatas natin ang FOI (Freedom of Information) sa lalong madaling panahon.
  5. Isa na tayo sa may pinaka-mataas na buwis sa buong mundo. Sisikapin ko na mapababa ito. Mas alam ng tao kung ano ang kailangan nila at may karapatan din silang piliin kung saan gagastusin ang kanilang pinaghirapan. Subalit kungibababa ang buwis, kailangang suklian natin ng tamang pagbabayad nito. Ito naman ang igagarantya ko: Lahat ng buwis na inyong ibabayad, maibabalik sa inyo sa pamamagitan ng agaran at dekalidad na serbisyo.
  6. Dapat pag-tuunan natin ng pansin kungsapat pa ba ang sweldo at benepisyo ng bawat manggagawa at lingkod-bayan. Mahirap magtrabaho at manilbihan habang nagugutom ang iyong pamilya. Dapat lang na bigyan sila ng marangal at legal na pagkaka-kitaan.
  7. Malaking porsyento ng budget ng bawat pamilya ay napupunta sa pambayad sa kuryente. Hahanap po tayo ng paraan para pababain ang presyo ng kuryente.Sa maraming parte ng Mindanao madalas ang brownout. Sisiguraduhin po natin na magiging sapat ang kuryente para sa lumalagong ekonomiya, lalo na sa Mindanao. Pauunlarin natin ang renewable energy.
  8. Aalagaan natin at pahahalagahan ang ating mga OFW (Overseas Filipino Workers). Bigyan ng maayos na legal na suporta sa ibang bansa at bawasan ang mga fees at red tape para lamang maayos nila ang kanilang mga papeles.
  9. Bilang isang nanay, nababahala ako sa tindi ng krimen at droga. Katulad nang lahat ng nanay, hindi ako makatulog sa gabi hangga’t hindi nakakauwi ang aking mga anak. Kaya para sa akin, ang pagdurog sa krimen at droga ay hindi lang trabaho. Ito ay personal na krusada. Sisiguraduhin na ang mga pulis ay may disiplina at kakayahan para isang tawag lang ay nandyan na at hindi lang isusulat ang krimen kundi huhulihin ang kriminal.
  10. Patuloy nating isusulong ang usaping pangkapayapaan sa lahat ng lumalaban sa gobyerno. Dapat nang tigilan ang pagpatay ng Pilipino sa kapwa nya Pilipino upang maparating natin ang tunay na kaunlaran sa bawat sulok ng bansa. Sa mga kapatid nating Moro, naging inspirasyon kayo sa maraming pelikula ng tatay ko, ang inyong kultura at kagitingan. Sa hinaba-haba ng kasaysayan natin, panahon na para mabigyan kayo ng patas na pagkakataon at tunay na tulong.
  11. I-respeto natin ang karapatang pantao ng lahat. Hindi tayo magiging bulag sakalagayan ng lahat ng vulnerable sectors, kasama na ang may kapansanan, mga indigenous peoples, mga maralitang taga-lungsod, mga kababaihan, kabataan at mga bata, mga LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender) at mga senior citizens. Sa mga senior citizens, hindi kayo malilimutan. Ang nanay ko mismo ay dumadaing na habang nagkaka-edad dapat mas maramdaman ang pagkalinga ng gobyerno.
  12. Kalusugan ng bawat isa ay mahalaga, dapat hindi ma-bangkarote ang pamilya o mamili kung kakain ba o ibibili ng gamot para sa kanilang may sakit na mahal sa buhay. Dapat may pinalaking benepisyo ang PhilHealth na masasandalan. Sisiguraduhin ko na ang bawat komunidad ay may maayos na ospital, may sapat na doctor, nurese, midwife, gamot at kagamitan.
  13. Atin ang West Philippine Sea (South China Sea) at dapat lang na ‘wag natin itong bitiwan o pabayaan gamit ang mapayapang paraan at ayon sa batas. Alinsunod dito, palalakasin natin ang ating Coast Guard at Sandatahang Lakas para hindi tayo kinakaya-kaya ng ibang bansa.
  14. OA (Overacting) na ang trapik! Sa airport man o sa kalsada, inuubos nito hindi lamang ang oras natin, kundi pati ang pasensya. Inaagaw nito ang panahon na sana ay para sa trabaho o makapiling natin ang ating pamilya’t mahal sa buhay.
  15. Dapat gawin ang mga sumusunod at marami pang iba – dagdag na kalsada at tren hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong parte ng Pilipinas. Siguraduhin na ang batayan ng pagpili ng contractor na magtatayo ng tren ay may tunay na kakayahan at track record para masiguro ang pangmatagalan na maintenance at warranty; malinis na drainage systems; kapote at bota para sa nagpapatupad ng batas-trapiko; pagtanggal sa lahat ng colorum at illegal parking sa kalsada; at pagpapa-tupad ng staggered office hours. At kung may binubungkal man sa kalye, dapat ay huwag iwanang nakatiwangwang. Tanggalin ang mga contractor nanagbabagal-bagalan.
  16. Ang Internet ay para rin highway, daluyan ng impormasyon, dapat mabilis ito. Maraming trabaho ang mas magiging produktibo pag mabilis ang internet. Mas mabilis na matatapos ng mga bata ang homework nila at mas madali nating makakausap ang ating mahal sa buhay na OFW na walang Skype delay. Sa Internet ayaw natin ng forever bago maka-konekta.
  17. Sa larangan ng sining at palakasan, dapat malaki din ang suporta ng ating pamahalaan. Kilala tayong malikhain nakultura, mga visual artists, writers, performers at iba pa. Ngunit hindi natin binibigyan ng tamang halaga at tulong ang sektor na ito. Kahit na binibigyan nila tayo ng karangalan, ano ang ating isinusukli? Sa palakasan naman, ang ating mga atleta ay kawawa din. Siguro naman hindi natin dapat isuko ang pangarap na magkaroon tayo ng ginto sa Olympics.
  18. Huwag natin kalimutan na realidad ang climate change. Hindi ito issue ng mayaman lang. Ang mga mahihirap ang unang tinatamaan nito. Sila ang unang binabaha at nawawalan ng tirahan. Dapat ay magkaroon na tayo ng hiwalay na Emergency Management Department na tututok sa national preparedness Climate Change at Geo(hazards) Mapping.
  19. Ang turismo ay isang sector din na dapat tutukan. Kung malago ang turismo, mas makakalikha ito ng dagdag na pagkakakitaan para sa ating mga kababayan kahit sa mga liblib na lugar. Likas na maganda ang tanawin dito sa ating bansa, pero ang turismo ay di sisigla kung hindi natin aayusin ang imprastruktura at dadagdagan ang ating mga paliparan.
  20. Yaman ng ating bansa ang ating mga anak. Sila ang kasalukuyan at kinabukasan natin. Pero wala silang laban kung hindi man lang sila napapakain ng tama. Marami pa rin ang nagugutom sa ating bayan. Napapanahon na magkaroon ng Standard Lunch Program sa lahat ng pampublikong paaralan.

Pinasalamatan rin ni Poe ang lahat ng dumalo sa kanyang deklarasyon at una rito ay ang kanyang ina at pangalawa ang asawa at mga anak, at kaibigan pati na rin  ang mga tagasunod na mula sa ibat-ibang lugar na dumayo pa sa UP upang marinig ang sasabihin nito.

Sinabi ni Poe na nais nitong ipagpatuloy ang nasimulan ng amang si Fernando Poe Jr.

“Noong una akong kumatok sa inyong mga puso, ang sabi ko gusto kong ipagpatuloy ang mga simulain ni FPJ. Simple lang ang prinsipyo ng aking ama na siya ring naging dahilan ng kanyang pagtakbo. Sinabi niya mismo sa bulwagang ito mahigit 11-taon ang nakalipas na importante sa isang leader ang katalinuhan pero mas mahalaga ang may tapat na pusong manilbihan upang tulungan ang mahihirap, labanan ang pang-aabuso, at pumanday ng isang lipunang masagana at makatarungan.”

“Madalas niyang sabihin sa akin – Gracia, Ang kahirapan ay hindi iginuhit sa palad dahil nasa kamay ng tao ang pag-unlad. Pero sa kanyang  pag-ahon, hindi sapat ang kanyang sariling kayod, kailangang may kamay na humihila sa kanya.  Di ba’t yan naman ang sukatan ng magandang pamahalaan at lipunan – Lahat ay aangat, walang maiiwan,” wika ni Poe.

Sa panghuli ay humingi ng suporta si Poe sa publiko upang paunlarin ang bansa at ang mga mamamayan. “Sana po ay samahan ninyo ako sa pagpanday ng maganda at makabuluhang hinaharap ng ating inang bayang Pilipinas. Ako po si Grace Poe, Pilipino, anak, asawa at ina, at sa tulong ng Mahal na Diyos ay inaalay ko sa inyong lahat ang aking sarili sa mas mataas na paninilbihan bilang inyong Pangulo.” (Mindanao Examiner)

 

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
https://mindanaoexaminer.com/ad-rates

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Carmudi reports growth in car finance sector in Philippines
Next: Chile earthquake: 8.3-magnitude temblor strikes off coast, killing 5 – CNN

Related News

PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2
  • Health
  • National

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

Desk Editor May 9, 2025
Philippines_Poverty_Mel_Hattie
  • National

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

Desk Editor May 9, 2025
Bonifacio-Global-City_and_Makati_skylines
  • Business
  • National

PH to become $2-T economy by 2050

Desk Editor May 8, 2025

Trending News

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 1

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 2

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA Philippines_Poverty_Mel_Hattie 3

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

May 9, 2025
PH to become $2-T economy by 2050 Bonifacio-Global-City_and_Makati_skylines 4

PH to become $2-T economy by 2050

May 8, 2025
Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards Metrobank-Annual-Awards 5

Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards

May 8, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.