
QUIRINO (Mindanao Examiner / Jan. 3, 2013) – Nakasentro ngayon sa malalim na imbestigasyon ng mga awtoridad ang anggulo na may kaugnayan sa trabaho ang pagpatay sa isang Community Environment and Natural Resources Officer ng Maddela at Nagtipunan sa lalawigan ng Quirino matapos itong ratrating sa isang checkpoint ng Department of Environment and Natural Resources.
Simabi ni Senior Supt. Domingo Lucas, provincial director ng Quirino Police Office, panguna¬hing tinitingnang anggulo sa pagpatay kay Alfredo Almueda, 59, ang motibo na may kinalaman ang krimen sa kanyang trabaho dahil posibleng mayroon itong mga na¬kabangga sa pagtupad sa kanyang tungkulin.
Nabatid na kahit bisperas ng Bagong Taon ay nagsagawa ng monitoring ang grupo ng biktima sa isang checkpoint sa Villa Sur ng nabanggit na bayan dahil talamak umano ang paglabas ng mga iligal na kahoy sa dalawang nasasakupang bayan.
Niratrat si Almueda ng .22 caliber at M16 armalite rifle base na rin sa mga basyo ng bala na narekober ng mga pulis sa crime scene ngunit isa lang ang punglo na tumama sa katawan ng biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Dagdag pa ni Lucas na bago nag-duty ang grupo ng biktima ay nag-inuman muna umano ang mga ito saka nakatulog sa loob ng kanyang pick-up na nakaparada sa natu-rang checkpoint.
Samantala, ayon kay Benjamin Tumaliuan, DENR-Cagayan Valley executive director, na si Almueda ay isang “top performer” sa pagsawata sa illegal logging drive sa lalawigan ito, maging sa kanyang pinangalingan na siya ay nagging acting provincial environment and natural resources sa Isabela.
Nabatid din sa awtoridad na ito na ang panagalawang kasapi ng DENR na namatay maliban kay forest specialist Melania Dirain na pinatay mismo sa kanyang tangapan sa bayan Sanchez Mira, Cagayan. (Francis Soriano)