DAVAO CITY – Shoot-to-kill ang inilabas na order ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayon sa mga politikong sangkot sa ilegal na droga at magpapatuloy umano ito hanggang sa kahuli-hulihang araw nito sa kanyang puwesto.
“Mabuti pa humanap na lang kayo ng ibang kasalanan, huwag lang yan (droga) at mamamatay kayo,” ani Duterte.
Hindi pa rin pinapangalanan ni Duterte ang mga politikong sabit sa droga, ngunit sinabi nito na karamihan sa kanila ay mga mayors at kasama pa ang isang congressman.
Wala umanong paki-alam si Duterte sa mga human rights groups na nagiingay sa patuloy na pagtutumba ng mga awtoridad sa mga drug pushers sa bansa na ngayon ay pumalo na sa mahigit 400 mula ng maupo si Duterte.
Ilang beses ng sinabi ni Duterte na patayin ang mga sabit sa droga kung sila’y manlalaban sa awtoridad. Nagpaalala rin si Duterte sa mga alagad ng batas na huwag papatay ng inosenteng tao kung ayaw nilang makasuhan. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper