
Ayon kay Supt. Ariel Huesca, ang commander ng Zamboanga City Public Safety Company, ay naghain na sila ng kaso laban kay Muammar Askali (na inulat pang Askalani at Askalni) alias Aboo Rami na siyang nagsilbing tagapagsalita ng Abu Sayyaf sa kasagsagan ng negosasyon sa paglaya ng dalawang German hostages noon nakaraang buwan.
Sa kabila ng pagsampa ng kaso laban kay Aboo Rami ay nananatili pa rin ang mahigpit na siguridad sa Zamboanga, ayon kay Huesca. “The police are still directed to maintain their stance on alertness and vigilance,” ani pa ng opisyal sa inilabas na pahayag ng City Hall.
Sinabi ni Huesca na ang pagsasampa ng kaso kay Aboo Rami ay base sa ibinigay na deskripsyon ng mga saksi ukol sa bomber na siyang namataan diumano sa Deluxe Karaoke and Massage Parlor sa downtown Zamboanga bago sumabog ang mga bomba nitong Nobyembre 9.
Ngunit marami ang nagduda na sabit si Aboo Rami sa atake dahil hindi naman ito maglalakas loob na umalis ng Sulu at magpunta sa Zamboanga upang pasabugin lamang ang bomba sa karaoke bar. At naganap ito ilang lingo lamang matapos na matanggap ni Aboo Rami ang P250 milyon ransom kapalit nina Stefan Viktor Okonek, 71, at Henrike Diesen, 55 na pinalaya noon Oktubre 17.
Mismong si Aboo Rami ang nagkumpirma sa Radio Mindanao Network saZamboanga City na pinakawalan nito ang mga bihag kapalit ng P250 milyon ransom.
Naunang sinabi ng Western Mindanao Command na isang tauhan ni Basilan-based Abu Sayyaf leader Puruji Indama ang nasa likod ng pambobomba. Magkaiba rin ang dalawang larawan na inilabas ng pulisya na umano’y si Aboo Rami. At malayo rin ito sa mukha ni Aboo Rami na inilabas ng Abu Sayyaf sa Youtube ng matanggap nila ang ransom para sa German hostages. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com and http://www.mindanaoexaminer.net