
ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang security guard sa Zamboanga City matapos itong bayuhin ng saksak ngayon Lunes ng dalawang lalaki habang nagbabantay sa kanyang puwesto.
Tadtad sa saksak ang katawan ng isang security guard na si Julio Marales, 51, ng ito’y matagpuan sa labas ng Atomic Solution sa Barangay Guiwan. Ayon sa pulisya, nawawala ang wallet, cell phone at motorsiklo ni Marales at posibleng tinangay ng mga salarin.
Nakunan rin umano ng CC TV sa lugar ang krimen at doon ay nabatid ng pulisya kung ano ang naganap. Pinaghahanap na rin ng mga parak ang dalawang kriminal upang papanagutin sa pamamaslang kay Marales ng Three Aces Security Agency. (Ely Dumaboc)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper