ZAMBOANGA CITY – Isang Katolikong simbahan ang pinasabugan sa lalawigan ng Basilan sa magulong Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Isang bomba na nakakabit sa cell phone ang sumambulat sa gate mismo ng Saint Peter Parish Church sa Lamitan City dakong alas 9.30 ng gabi nitong Biyernes. Sinabi ng pulisya at militar na walang sugatan o nasawi sa naturang atake.
Walang umako sa pagsabog, ngunit ilang beses ng tinarget ng Abu Sayyaf ang mga simbahan at pari sa naturang lalawigan na kalapit lamang ng Zamboanga City.
Agad naman kinondena ng mga religious leaders ang atake sa simbahan at naghigpit ng siguridad ang pulisya at militar.
Sinabi ni Parish priest Father Pascual Benitez sa Catholic Bishops Conference of the Philippines na posibleng siya ang target ang pambobomba. “So I was maybe the target because the bomb was placed on the gate which I used when I went out of the convent,” ani Benitez sa CBCP.
Ayon sa 40-anyos na pari, nasa kumbento ito at nanonood ng telebisyon ng maganap ang pagsabog. Nawasak rin umano ang gate ng simbahan. Natagpuan naman sa lugar ang basag-basag na bahagi ng isang cell phone na siyang ginamit bilang triggering device ng bomba.
Sa hiwalay na ulat naman ng Catholic media service UCAN, sinabi ni Basilan Bishop Martin Jumoad na ito ay nalungkot at na-sorpresa sa naturang insidente at umapela na huwag idamay ang simbahan at palabasin na may hidwaan ang mga Muslim at Kristiyano sa Basilan.
“Let us not drag religion to let it appear that there is tension between Muslims and Catholics. Instead, we continue to work together for peace and harmony,” ani bishop.
Matatandaang ipinag-utos ni ARMM Governor Mujiv Hataman ang isang all-out war laban sa Abu Sayyaf. Ngunit tinutulan naman ito ni bishop at sinabing hindi solusyon ang giyera sa problema.
“Waging an all-out campaign against the lawless elements in Mindanao is not the solution,” ani bishop. “Those perpetrators or lawless elements, we can’t do anything about them, run after them… Finishing them all? I think that is not the solution because that will just add more problems. I think the government must act like a mother that will look for aid in order to win their trust and confidence to the calls of law.”
“I have been in Basilan. Parang paulit-ulit na lang ang pangyarari. I think the approach should really be no longer through guns. I ask the government to really give more educational and livelihood programs to those areas, especially in Sumisip,” dagdag pa nito.
Ang Sumisip ang bayan ni Hataman sa Basilan. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News