
COTABATO CITY (Mindanao Examiner / July 8, 2012) – Muntik ng malason ang 11 bata sa bayan ng Magpet sa North Cotabato na sumikwat diumano sa mga hipon sa isang nakaparadang sasakyan na lingid sa kanila ay may halong pesticide.
Iniwan ng driver ang kanyang sasakyan na may lulang mga farm tools at hipon na hinaluan ng kemikal upang gamitin sana sa mga hayup sa sakahan ng ito’y tangayin ng isang grupo ng mga bata.
Sa akalang ulam ito ay tinira naman nila, ngunit huli na ng mabatid na may pesticide pala ang mga ito.
Agad naman naisugod sa pagamutan ang mga menor-de-edad matapos na mahilo at panakitan ng tiyan. Mabuti na lamang umano at hindi gaano karami ang nakain ng mga ito. (Mindanao Examiner)