
Tulog na tulog ang dalawang security guards na ito kahit pasado alas 11 pa lamang ng gabi sa kanilang puwesto sa labas ng bagong botica sa Zamboanga City. (Mindanao Examiner Photo)
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Mar. 1, 2013) – Mistulang mga “sleeping beauty” ang dalawang security guards na ito na natutulog nitong Biyernes ng gabi sa kanilang puwesto sa labas ng botica na kanilang binabantayan sa Zamboanga City.
Madalas umanong makitang natutulog ang mga security guards sa halip na magbantay sa botica. Nitong 11.20 ng gabi ay nakitang tulog na naman ang mga ito.
Hindi naman agad mabatid kung anong security agency ang kinabibilangan ng dalawa, ngunit ang bagong botica na kanilang binabantayan ay malapit lamang sa Zamboanga Medical Center sa Veterans Avenue. (Mindanao Examiner)