
ZAMBOANGA SIBUGAY (Mindanao Examiner / Dec. 3, 2013) – Sugatan ang isang
pro-government militia matapos itong saksakin ng dalawang small scale miners dahil umano’y operasyon ng bulawan sa bayan ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay province.
Sinabi ng pulisya na nagtungo umano sa bahay ng biktimang si Wilmer Obsiman, 44, ang mga suspek – isa sa kanila ay nakilalang si Armando Cristobal – upang komprontahin ang militiaman ukol sa minahan nito sa kanyang lupain.
Inakusahan umano ni Cristobal si Obsiman na siyang nasa likod ng suspenyon nito sa pagmimina. Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang tatlo hanggang sa bumunot ng patalim si Cristobal at inundayan ng saksak ang militiaman.
Kahit sugatan ay nakuha pa ni Obsiman na gumanti at saksakin rin si Cristobal na agad tumakas.
Naisugod naman agad sa pagamutan si Obsiman dahil sa tinamong saksak sa katawan. Pinaghahanap naman ng pulisya si Cristobal at ang kasamahan nito. (Mindanao Examiner)