DAVAO CITY – Pinaghahanap na ngayon ng pulisya sa Davao City ang nasa likod ng pagkalat ng bigas na yari mula sa resin o plastic at hinihinalang galing pa sa China.
Mismong si Mayor Rodrigo Duterte ang nagbigay ng kautusan sa mga awtoridad na siyasatin ang naturang kontrabando at nagbanta rin ito na ipalalamon sa mga smugglers at nagbebenta nito ang mga fake na bigas.
Hindi pa mabatid kung sino ang nagbagsak ng mga ito sa Davao City, ngunit sinabi ni Duterte na wala itong palalampasin kahit sino.
Ilang pamilya na sa Davao ang nagreklamo ukol sa fake na bigas na muntik na umanong makain kundi agad napuna ang kakaibang texture nito. Halos hindi Makilala ang fake sa tunay na bigas dahil magkapareho lamang ang Kulay at hugis nito.
Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang National Food Authority ukol dito. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/
Share The News