
Ang tila mga kabuteng operasyon ng ilegal na minahan ng ginto sa Balabag sa bayan ng Bayog sa Zamboanga del Sur. (Mindanao Examiner Photo)
ZAMBOANGA DEL SUR (Mindanao Examiner / Feb. 19, 2012) – Sa unang tingin ay tila mabibighani ka sa ganda ng kabundukan sa Balabag, isang sitio sa bayan ng Bayog sa katimugang lalawigan ng Zamboanga del Sur sa Mindanao.
Mistulang Baguio, ang lungsod sa hilaga ng bansa, dahil na rin sa tindi ng lamig ng klima sa Balabag sa tuwing darating ang takip-silim. Luntian ang kapaligiran ng naturang sitio dahil na rin sa kapal ng mga punong-kahoy kung ito’y matatanaw sa malayong lugar na para bang nangaakit ang kalikasan dahil sa taglay nitong kagandahan.
Ngunit sa kabila ang mga ito ay isang malaking panganib pala ang nagbabadya sa kabundukan ng Balabag. Talamak ang ilegal na pagmimina doon ng ginto at matindi ang polusyon na sanhi na rin sa paggamit ng mga ipinagbabawal na kemikal – cyanide, mercury at nitric acid – na siyang pangunahin sangkap upang maihiwalay ang mamahaling metal mula sa mga bato na hinukay sa kabundukan.
Daan-daang kilo ng cyanide, ammonium nitrate at blasting caps, ang patuloy na ipinupuslit sa Balabag ng mga diumano’y armadong financiers ng ilegal na pagmimina doon. Ang ammonium nitrate na mahigpit rin ipinagbabawal sa bansa ay siyang ginagamit sa paggawa ng pampasabog na bubutas sa kabundukan ng Balabag.
‘War Zone’
Sa tuwing gabi ay maririnig ang maraming pagsabog sa Balabag na tila isang “war zone” dahil sa lakas ng pagsambulat nito. Hirap umano ang mga awtoridad na mapigil ang mga ito dahil na rin sa kakulangan ng tao at sa malawak na operasyon ng ilegal na minahan sa bundok.
Halos hindi na mabilang ang mga tunnels sa Balabag at isang paaralan doon ang nilikas dahil mismong sa ilalim nito ay napasok na rin ng mga minero na walang pasubali sa kaligtasan ng dose-dosenang magaaral doon.
Natatakpan lamang pala ng mga punong-kahoy ang masaklap na katotohanan sa Balabag at ang walang humpay na pagmimina doon. Marami na rin ang nasawi sa mga gumuhong tunnel ng mga minero at kalimitan sa mga ito ay nalilibing ng buhay at ang iba naman ay hindi na rin matagpuan ang mga bangkay.
‘Child Laborers’
Hindi rin kapani-paniwala ang dami ng mga “child laborers” sa operasyon ng ilegal na pagmimina ng ginto at sa bigat ng kanilang trabaho ay tila mga kalabaw ito sa kanilang araw-araw na gawain.
Sako-sakong bato mula sa mga pinasabog na tunnels ang kanilang binubuhat patungo sa ball mill na kung saan ay dinudurog ang mga ito – isa lamang sa maraming proseso ng mga operators ng ilegal na minahan sa Balabag.
At lahat ng ito ay kapalit ng kakapiranggot na salapi sa puhunang buhay na kanilang isinusugal.
‘Balabag Force’
Hindi rin sapat ang bilang ng mga sundalo at parak na ipinadala sa Balabag upang pigilin ang tuluyang pagkasira ng kabundukan.
Ito rin ang inamin ni Natalio Bello, miyembro ng Special Civilian Active Auxiliaries ng Philippine Army sa ilalim ng 18th Infantry Battalion. Saksi si Bello sa unti-unting pagkawasak ng kabundukan ng Balabag.
“Ang (mga) nakikita ko dito (ay) yung mga problema sa illegal miners (at) unang-una ay yung mga pagsabog. Nagpapaputok sila ng illegal at gumagamit sila ng mercury, cyanide at saka yung pinaka-highest na uri ng asido – yun nitric acid,” wika pa ni Bello.
“Ang problema din kasi dito sa mga small scale miners ay yung pagpapakawala nila ng mga tailings na contaminated ng chemicals at diyan mismo sa may sapa. Pinapakawalan nila ito at ito ay nakakalason sa mga lamang-tubig hanggang doon na sa ibaba (ng kabundukan),” dagdag pa nito.
Ikinakatakot rin ng grupo ni Bello ang kontaminasyon sa iba pang mga patubigan sa Balabag dahil sa talamak na paggamit ng cyanide, mercury at nitric acid ng mga ilegal na minero.
“Ikinakatakot lang namin dito ay ma-contaminate hanggang sa dagat pa at saka yung pag kuha nila ng minerals na hindi sa tamang proseso at may mga namamatay pa nga, nadadaganan (ng mga gumuhong tunnels). Katunayan nga may mga malalaking pagguho na ng mga lupa diyan sa ibaba (ng Balabag) na hindi man lang naipapalam sa mga kinauukulan. May mga taong sadyang nababaon na lang ng buhay at saka walang kaalam- alam ang mga kinauukulan. Sana ay maresolba na ito,” ani Bello.
‘Gold Rush’
Dahil sa talamak na ilegal na pagmimina sa Balabag ay mistulang gold-rush area na ito tulad ng sa Compostela Valley dahil sa daan-daang mga pamilya na nasa ilegal na pagmimina.
Wala rin permit mula sa Mines and Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources at iba pang mga kinauukulang ahensya at pulisya ang mga financiers nitong ilegal na pagmimina. Hindi rin nagbabayad ang mga ito ng buwis sa pamahalaan.
May mga ulat pa na nasa payroll rin ng mga ito ang ilang mga diumano’y tinatawag na “fly-by-night” na mamamahayag o nagpapanggap na mga reporters at maging ang organisasyon ng National Union of Journalists of the Philippines ay ginagamit bilang mga outfit o outlet ng mga ito sa kanilang mga ilegal na gawain.
‘Mines and Geosciences Bureau’
Inamin naman ng Mines and Geosciences Bureau sa Western Mindanao na talamak talaga ang problema sa Balabag at nakikipag-ugnayan na rin ang ahensya sa mga kinauukulan at awtoridad upang mapatigil ang operasyon ng mga ilegal na minero doon.
“Yes, with regards to the problem diyan sa small scale is meron tayong small scale community diyan, mga informal small scale ito ay katulad sa problema rin natin sa Pantukan and Diwalwal sa Compostela Valley. May gold rush area tayo dito sa Balabag na since I assumed office here na-realize ko na may problema yang area na yan about this (illegal mining),” ani Albert Johann Jacildo, ang MGB regional director.
Alarmado naman si Jacildo sa naganap na paglikas sa paaralan sa Balabag dahil ginapang na ito ng mga minero at sala-salabat na umano ang mga tunnels sa ilalim nito.
“May report kami last week about this. Yung mga photographs nga na pinakita rito ay nabibiyak yung mga lupa doon sa paaralan which may pose real danger sa ating mga magaaral. So, yung aking office naman ay, we wrote yung bagong police regional director na si Chief Superintendent Napoleon Estilles na we are asking their help kasi this involves yung explosives at sila kasi ang may control ng pag-move ng explosives within this region,” ani pa ni Jacildo.
‘Ipasara Ang Minahan’
Ilang mga organisasyon, grupo, mambabatas at kumpanya na rin ang humihiling sa pamahalaang na ipasara na ng tuluyan ang mga ilegal na minahan sa buong bansa dahil na rin sa peligrong dulot nito sa lahat.
Daan-daang buhay na rin ang kinitil ng ilegal na pagmimina hindi lamang sa Mindanao, kundi maging Luzon at Visayas.
Nangako naman si Pangulong Benigno Aquino na tutuldukan ang problema ng ilegal na minahan ng ginto at iba pa sa bansa sa ilalim ng National Anti-Illegal Mining Task Force. (Mindanao Examiner)
Bello is only one of few villagers trained by the government as militia and deployed in Balabag to help protect the environment and the human population in communities around the mountain.
ZAMBOANGA DEL SUR (Mindanao Examiner / Feb. 19, 2012) – Balabag, a mountainous area in the town of Bayog in Zamboanga del Sur, is perhaps one of the most beautiful places in Western Mindanao . Its beauty is captivating and from afar.
Its cool climate resembles Baguio City in Northern Luzon . The Balabag sun which sets in the horizon signals a new beginning and dawn for every living thing in the mountain.
But despite all these beautiful things, grave dangers lurk in the mountain of Balabag because of rampant illegal mining activities in the area. The pollution from hazardous chemicals such as cyanide, mercury and nitric acid are now threatening not only the water sources in Balabag, but the safety of humans and animals as well.
The toxic chemicals are being used by small-scale miners to extract gold from rocks and earth dug from tunnels that now dotted the mountain like bee hives.
Tons and tons of cyanide, mercury and nitric acid are dumped in Balabag over the past decades by illegal miners whose operations are being run by local financiers.
‘War Zone’
Blasting in Balabag is also rampant, especially during night time where illegal miners dig tunnels to gather rocks and boulders where gold is found. The loud blasts from homemade explosives reverberate in the still of the cold and foggy night as if Balabag is a war zone.
The blasting of the mountain is so rampant that even authorities cannot do anything to stop it. The lack of security forces to guard the environment remains a sad reality in Balabag. The smuggling of cyanide and ammonium nitrate and blasting caps – use as detonators for homemade explosives – continue unabated.
One school has already been evacuated because of tunnels dug by illegal miners underneath the wooden building. Cracks in the earth are threatening the safety and lives of dozens of students.
And there have been numerous landslides and tunnels collapsing and burying many illegal miners alive – all these have become bitter memories of families who lost their loved ones in search for gold.
‘Child Laborers’
The huge number of child workers has become increasingly alarming in Balabag. Teenagers bear the heavy scar of illegal mining activities in the mountain.
And everyday, they carry heavy boulders and rocks and crushed it with hammer and steel and collected by ball mill workers in Balabag – and all these dangerous jobs in exchange for small amount of money to feed their hungry family.
Their limbs and lives are their only guarantee to earn a living from the virtual gold rush area controlled by a few financiers and an army of workers blinded by greed for money.
‘Balabag Force’
The lack of security forces to help guard the mountain of Balabag and protect the environment and people in Bayog has become part of life of villagers living in the area who witnessed the destruction of their land.
Natalio Bello, a member of the Special Civilian Active Auxiliaries of the Philippine Army, says he is a living witness to the unabated destruction of Balabag because of illegal mining activities.
“I have seen here the problems brought about by illegal miners. The rampant blasting to make tunnels and their continued use of mercury, cyanide and nitric acid is a bigger problem. The unabated dumping of mine tailings by small scale miners is also another problem and these tailings contain hazardous chemicals that contaminate our water sources, our lakes and go down to the mountain and eventually to the sea,” he says.
“We are afraid that these illegal activities are contaminating the environment. The illegal miners extract minerals in the wrong way and there have been numerous deaths related to these activities – those who perished and buried alive in tunnels and landslides in Balabag – and most of these cases are not even reported to the authorities. We just hope that these problems are resolved soon,” says Bello , who is under the command of 18th Infantry Battalion.
‘Gold Rush’
The whole Balabag area has been likened to gold rush sites in the province of Compostela Valley in Davao region where thousands of illegal miners are operating despite a government ban.
In Balabag, hundreds of families have put up their shanties in mountain slopes, and are illegally mining for gold.
Financiers of illegal mining do not have government permits, not even from the Mines and Geosciences Bureau of the Department of Environment and Natural Resources and other concerned agencies. They do not pay taxes for all the gold they have collected and sold to the black markets.
There are also reports that some journalists are under the payroll of financiers of illegal mining in Balabag to protect and defend them from bad publicity and some even claimed to be members of the media watchdog called National Union of Journalists of the Philippines .
‘Mines and Geosciences Bureau’
The Mines and Geosciences Bureau in Western Mindanao has acknowledged the huge problems posed by illegal mining activities in Balabag.
“There is a community of small scale miners there. These are informal small scale miners similar to the problems in Pantukan and Diwalwal (gold rush) in Compostela Valley . We have a gold-rush area in Balabag and since I assumed office I realized that there is really a problem brought about by illegal mining there,” says Albert Johann Jacildo, the MGB regional director.
He says the geographical hazard map of Balabag shows that the mountain area is vulnerable to landslides and posed dangers to illegal miners.
Jacildo says he also received a report about the evacuation of a school in Balabag due to the cracks on the floor caused by tunnels dug by illegal miners.
“We have received a report about this. We have photographs that showed the cracks on the earth inside the school which may pose real danger to the students. Our office immediately wrote to the regional police director Chief Superintendent Napoleon Estilles and we are asking their help because this (problem) involved explosives,” he says.
‘Stop illegal mining activities’
Various organizations and groups, lawmakers and mining corporations have asked the government to put a stop to illegal mining activities in the country because of its ill-effects to the environment and dangers posed by their continued operation to human life.
Hundreds had died from landslides and collapsed of tunnels in areas where there are rampant illegal mining activities, especially in Mindanao .
President Benigno Aquino says he would act on the problems of illegal mining and create the National Anti-Illegal Mining Task Force to carry out his order to put a stop to it. (Mindanao Examiner)