Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Entertainment
  • Star nga Ba?: AlDub, ginamit sa mga pekeng libro – Abante
  • Entertainment
  • Featured
  • National

Star nga Ba?: AlDub, ginamit sa mga pekeng libro – Abante

Desk Editor December 17, 2015

Wow naman! Pati cover ng isang pekeng libro ay ginamit na rin ang ALDUB para makabenta lang ng librong tinatawag.

‘Yun kasing u­nang libro sa English nitong manggagamit ay ‘di bumenta kaya gumawa naman ng Tagalog para raw sa mga fans na minemenos ang katalinuhan!

Itong baklang negosyante ay tinatawag na “EME”, o letter “M” which stands for several meanings.

Kung si MARILYN MONROE ay dalawang “M” lang, itong baklang ito ay sangkatutak na ‘EME’ ang nakakabit sa pangalan niya na uso ngayon sa kantang Pamasko.

Ano na ang mga “EME” na ginagamit sa baklang ito in reference to him? Manggagamit, Manunulot, Mamumulot, Malas na Manager, Mayabang, Mapagpanggap na Matalino, etc.

Nasaan ba ang baklang ito nung hindi pa sikat si Alden Richards?

Tumulong man lang ba siya sa pagbanggit man lang sa pangalang Alden Richards nung nagsisimula pa lang ang mabait na dimples sa showbiz?

Bakit ngayon big­lang entra siya tulad ng best fried niyang malas na direktor?

Bakit ngayon all of a sudden ginamit niya sa “negosyo” niya ang pinakasikat na loveteam ng henerasyong ito?

Doon sa libro niyang English, ang pinakamahaba ang satsat ay ang BFF niyang malas na direktor kaya hindi bumenta ang libro-librohan.

Binanggit pa ng bakla na ang biggest at pinakasikat sa mga artistahin na mina-manage niya ay si Ryan Agoncillo.

Aba, kahit patambis ay ‘di man lang ako nabanggit, ‘AKO! AKO! NA SIYANG NAGPASIKAT kay bansot’ bago niya pinulot at sinulot sa tunay na may hawak noon kay bansot!

Kundi dahil sa akin at ipina­reha kay Juday ang Ryan na ‘yan eh hindi sana siya sisikat at magiging asawa ng alaga ko! Alam ‘yan ng buong bansa at ng buong mundo, noh?

Wala man lang bang credit where credit is due, Ha Tonya Ferrer?

Ano na Onyok?

“Aysus, what else is new in showbiz?” Galing! Matalinong batang “Probinsyano”

Sumikat? Tigilan ako, no!

‘Yun bang kahit sa anong paraan maka­gamit lang, sige. Bakit naman nasabit ang pangalan ng isang Julie Anne San Jose kay Alden Richards na diumano eh syota ni Pambansang Dimples?

Hayun, na-bash tuloy ng AlDub Nation! Sumikat? Tigilan ako, noh!

Kanya-kanyang gimik lang naman ‘yan, eh. Look at Cai Cortez kundi pa niya ibinulgar ang mga lalaking nakatsurbahan niya at  dinescribe ang sizes ng mga sari-saring birdie sa Manila Zoo ay hindi malalaman na anak pala siya ni Rez Cortez!

Magamit kaya niya ang mga ibon na ‘yun para sumikat siya nang husto?(Alfie Lorenzo )

Link: http://www.abante.com.ph/ent/showbiz-column/star-nga-siguro/39453/star-nga-ba-aldub-ginamit-sa-mga-pekeng-libro.html

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Star Wars: The Force Awakens gets rave reviews – BBC News
Next: Shingles linked to increased risk of heart attack, stroke – Fox News

Related News

PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2
  • Health
  • National

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

Desk Editor May 9, 2025
Philippines_Poverty_Mel_Hattie
  • National

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

Desk Editor May 9, 2025
Bonifacio-Global-City_and_Makati_skylines
  • Business
  • National

PH to become $2-T economy by 2050

Desk Editor May 8, 2025

Trending News

Zamboanga Winners Proclaimed ZC1 1

Zamboanga Winners Proclaimed

May 13, 2025
PhilHealth and DepEd forge partnership to ensure health coverage for all learners PhilHealth-DepEd1 2

PhilHealth and DepEd forge partnership to ensure health coverage for all learners

May 13, 2025
Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 3

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 4

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA Philippines_Poverty_Mel_Hattie 5

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

May 9, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.