Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Sulu First Lady idinaos ang kaarawan sa isang medical mission

Sulu First Lady idinaos ang kaarawan sa isang medical mission

Editor September 16, 2012
Gov-Tan-and-Hajja-Nurunnisah-Tan-copy

  Si Sulu Gov. Sakur Tan at ang kanyang First Lady na si Hajja Nurunnisah Tan na siyang nanguna sa isang medical mission sa isla ng Pata na kung saan ay daan-daang ang nakinabang sa humanitarian efforts na natapat sa kaarawan ng may-bahay ni Gov. Sakur Tan. (Mindanao Examiner Photo – Ahl Salinas)

SULU (Mindanao Examiner / Sept. 16, 2012) – Nakinabang ang daan-daang katao sa isang medical mission na inilunsad kamakailan ng grupo ni Sulu First Lady Hajja Nurunnisah Tan sa kanyang kaarawan sa malayong isla ng Pata sa naturang lalawigan.

Sa isla ng Pata ay namahagi ang grupo ni Hajja Nurunnisah ng libreng mga gamot at katuwang nito si Mayor Hajja Nurmina Burahan. Todo naman ang pasasalamat ni Hajja Burahan at mga taga-isla sa mga tulong ng grupo ni Hajja Nurunisah na siyang nanguna sa mga pagbabakuna sa mga bata at matatanda sa Pata.

Isang araw nagtagal ang naturang medical mission.

Tradisyonal na kay Hajja Nurunnisah, ang may-bahay ni Gov. Sakur Tan, na ipagdiwang ang simpleng kaarawan sa pamamagitan ng mga medical at humanitarian mission sa bat-ibang bayan at isla sa lalawigan.

Madalas rin itong ginagawa ni Hajja Nurunnisah at halos buwan-buwan ay may mga humanitarian mission ito sa Sulu.

Hindi rin nito alintana ang peligro ng bumiyahe sa karagatan kahit pa umuulan o kaya ay malaki ang alon. Katuwang rin nito ang mga anak at si Dr. Farah Omar ng Sulu provincial hospital at ang ibat-ibang grupo ng kababaihan sa kanyang mga medical mission.

Isang registered nurse si Hajja Nurunnisah kung kaya’t malapit sa puso nito ang tumulong sa kapwa, ngunit katulad ng asawa ay hindi mahilig sa publicity o ipaalam sa media ang mga kabutihang ginagawa sa Sulu.

Si Hajja Nurunnisah ang siya rin pinuno ng Sulu Provincial Women’s Council na aktibo sa mga kawang-gawa sa lalawigan.(Ahl Salinas)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: ARMM picks Sulu Guv for gubernatorial race
Next: Violence Against Innocents Dishonors Religion, Clinton Says: US Dept. of State

Trending News

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines Jeffrey-Navarro,-Country-Manager,-Visa-Philippines 1
  • Business

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines

July 1, 2025
Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements Singapore-Airline 2
  • Business

Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements

July 1, 2025
Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA Official-Artwork-for-PR2025-14 3
  • National

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA

July 1, 2025
Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage Michael-Harris-Conlin 4
  • Sports

Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage

June 30, 2025
Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore CKD1 5
  • Health

Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore

June 27, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.