
SULU – Nagbigay ng pasasalamat ang liderato ng Sulu sa ibat-ibang mga civil society organizations, religious groups at iba pang sektor ng lipunan sa patuloy nitong suporta sa pamahalaan doon tungo sa kapayapaan at pag-unlad ng lalawigan.
Nagpulong ang mga kinatawan ng mga ibat-ibang grupo kay Gov. Toto Tan na kung saan ay pinag-usapan at tinalakay ang mga sari-saring isyu na may kinalaman sa Sulu, kabilang na dito ang mga programa ng lalawigan.
Naroon rin si Vice Gov. Sakur Tan na nagbigay papuri sa mga sektor ng lipunan na katuwang ng pamahalaan sa mga proyektong ipinatutupad sa ibat-ibang munisipyo.
Matapos ng pulong na isinagawa sa Kapitolyo sa bayan ng Patikul ay isang pagsasalo naman ang pinaghandaan ng lalawigan para sa mga dumalo doon, ayon kay Fazlur-Rahman Abdulla, ang executive director ng Sulu Area Coordinating Center.
“Gov. Toto Tan along with Vice Gov. Sakur Tan hosted a merienda chat with actively-engaged functional luminaries of different civil society organizations in Sulu, including NGOs, youth, women, religious and faith-based groups, academe, non-state actors, fraternities, people’s organizations among others. The treat was really more like a thanksgiving and gesture of appreciation to their continuing involvement in the affairs of the locality,” ani Abdulla. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
https://mindanaoexaminer.com/ad-rates