
SULU (Mindanao Examiner / Nov. 28, 2013) – Dinaluhan ng daan-daang katao mula sa ibat-ibang sektor ang selebrasyon ng ‘Mindanao Week of Peace” na kung saan ay kaisa ang lalawigan ng Sulu.
Mismong si Sulu Gov. Totoh Tan ang nanguna sa pagbibigay ng talumpati at ipinaliwanag nito ang kahalagahan ng kapayapaan hindi lamang sa lalawigan kundi maging sa buong Mindanao dahil ito ang nagsisilbing pundasyon sa ikauunlad ng bansa.
Hinimok ni Tan na suportahan ng bawat isa ang programa ng pamahalaan na may kinalaman sa kapayapaan upang magsilbing gabay sa bawat isa tungo sa ikauunlad ng lalawigan at ng bansa.
Suportado rin ni Tan ang mga programa ng pamahalaang Aquino at kaabay ito sa layunin na magkaroon ng permanenteng solusyon sa mga kaguluhan sa Mindanao, partikular ang kasalukuyang usapang-pangkapayapaan.
Umani naman ng maiinit na pagtanggap si Tan mula sa mga sector ng kabataan at mga civil society groups sa Sulu. (Mindanao Examiner)