
DAVAO CITY (Mindanao Examiner / Mar. 18, 2012) – Nadale ng mga rebeldeng New People’s Army ang isang sundalo sa sagupaan na naganap sa lalawigan ng Agusan del Norte.
Sinabi ng militar na halos dalawang dosenang NPA ang nakasagupa ng mga sundalo nitong Sabado ng hapon sa Barangay Tagmamarkay sa bayan ng Tubay.
Hindi pa mabatid kung may casualties o nasawi sa panig ng rebeldeng grupo na sinasabing mga miyembro ng Front Committee 21.
Patuloy naman hanggang ngayon ang operasyon ng militar sa naturang lugar na kung saan ay madalas umano doon ang mga rebelde na umano’y nasa likod ng mga pananambang ng tropa.
Matagal ng nakikibaka ang NPA upang maitatag ang sariling estado sa bansa at ilang ulit na rin itong nakipag-usap sa pamahalaan, ngunit kalimitan ay bigo ang magkabilang panig na magkaroon ng peace agreement dahil sa mga demands ng rebeldeng grupo at kabilang dito ay ang pagpapalaya sa lahat ng political prisoners sa bansa. (Mindanao Examiner)